_ngayon
^

Korapsiyon sa PNP recruitment, tutuldukan ni Eleazar!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2021 - 12:00am

KUNG ang buong akala ng mga tulisan ay nagbibiro itong si Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar sa balakin n’yang linisin ang recruitment process ng PNP, aba nagkamali sila.

Si Evelyn Aleman, alyas Evah Fonda, isang PSSLAI agent ang unang nasampolan sa higpit ni Eleazar nang maaresto ito sa isang P50,000 entrapment operation.

Sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Ronnie Olay na itong si Aleman ay namonitor ng Anti-Cybercrime Group (ACG) na nag-ooffer sa social media na aayusin ang mga resulta ng kanilang neuro-psychiatric exams kapalit ng P50,000.

Ipinagyabang pa ni Aleman na mayroon s’yang “pamato” na doctor na may ranggong colonel na gagawa ng magic sa kanilang neuro-exam. Siyempre, naalarma si Eleazar kaya’t kaagad n’yang iniutos kay Brig. Gen. Thomas Frias, ng IMEG, ang entrapment operations vs Aleman at SWAK naman kaagad.

Kapag minalas pa itong si Aleman, baka pati ang asawang pulis ay aabutin pa ng delubyo ni Eleazar. Dipugaaaaa!

Nanawagan si Eleazar sa mga police applicants na ‘wag maniwala sa ganitong sistema o modus dahil seryoso s’yang matigil ang kultura ng korapsiyon at palakasan system sa recruitment process ng PNP.

Nitong nagdaang mga araw, inaprubahan ng Napolcom ang pag-recruit ng 17,000 na pulis at paiiralin ni Eleazar ang Comprehensive Online Recruitment Encrypting System (CORES) para iwasan ang mga tulad ni Aleman.

Dito sa CORES, ang magiging tiket ng aplikante para maging pulis ay ang kanyang qualifications at perfor­mance sa evaluation. Sa sistemang, ito goodbye na lang sa “padrino” system at ang ma-recruit na mga pulis ay mga «the best and brightest,’ ani Olay. Dipugaaaaa!

Inutusan ni Eleazar si Frias na arukin pa itong pagyayabang ni Aleman na may kakutsaba s’yang opisyal ng pulis sa kanyang raket. Nagbanta s’ya na wawalisin n’ya ang lahat ng sangkot sa modus para hindi na sila tularan pa.

Hinimok n’ya ang mga police applicants na i-report kaagad sa PNP ang sinumang nangako na tutulong na makapasok sila sa police organization kapalit ng pitsa. 

“Bilang mga susunod na pulis, it is a challenge for you now to live up to the expectations of being a policeman. Pulis na tapat, pulis na may integridad, pulis na may pagmamahal at malasakit sa ating PNP,” ani Eleazar. Dipugaaaaa!

Si Aleman ay nakakulong sa ngayon sa IMEG hq sa Camp Crame. Haharap s’ya ng katakot-takot na kaso. Dipugaaaaa! Abangan!

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with