_ngayon
^

PSN Opinyon

500 pamilya tumanggap ng P10,000 ayuda

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nakikiisa ako sa panawagan sa Mababang Kapulu­ngan na pagtibayin na ang P10,000 ayuda bill sa hirap na iniinda ngayon ng ating mga kababayan. Pulitika ba ang dahilan kung bakit pinipigil itong maisabatas?

Mahirap intindihin ang maraming lawmakers sa Ma­babang Kapulungan. Halos apat na buwan na mula nang ihain sa Kamara ang 10,000 Ayuda Bill ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at ng kanyang mga kasamahang kongresista pero hanggang ngayon, hindi inaaksyunan­. Ang iginigiit  ng nakararaming kongresista ay ang P1,000 ayuda sa ilalim ng Bayanihan 3.

Sa kabila nito, ipinakita ng mga Kongresista na nag­su­sulong ng P10,000 ayuda bill ang sinseridad na ma­ipatupad ito. Kahit wala pang batas, nagsimula na silang mamahagi ng ayudang ito sa abot ng kanilang kakayahan.

Sa P10,000 ayuda para sa mahirap na pamilya, ma­aaring makapag-umpisa ng kabuhayan. Isang pana­dero sa Caloocan ang dati’y P300 lang kada araw ang kinikita dahil patingi-tingi ang kanyang binibiling arina at asukal­ para sa kanyang pagluluto. Kaagad siyang bumili ng saku-sakong arina at asukal nang matanggap niya ang P10,000 ayuda. Ngayon, umaabot na sa P1,200 ang kini­kita niya araw-araw.

Limandaang benepisyaryong pamilya ang nakatanggap ng P10,000 ayuda mula kay Cayetano at sa kanyang grupo. Noong Biyernes, namigay muli ang grupo ng P10,000 ayuda sa 300 residente ng Laguna. Bukod pa ito sa 200 katao na nakatanggap ng P10,000 ayuda sa paglulunsad ng Sampung Libong Pag-asa noong nakaraang  Araw ng Paggawa.

Aabot na rin sa 38 benepisyaryo ng P10,000 ayuda ang nabiyayaan bago ang May 1, 2021. Kaya dapat magkaisa ang lahat ng mambabatas para maipatupad ang batas na ito. Ang P1,000 ay minsanang  tulong lang pero ang P10,000 ay maaaring makapagtayo ng pangmatagalang kabuhayan sa mahihirap nating kababayan.

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with