_ngayon
^

Pabrika sa Valenzuela, hayop ang turing sa mga manggagawa

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2021 - 12:00am

Mula nang magsimula ang pandemya, nagsulputan ang mga oportunistang pulitiko, dorobong pilantropo at mga abusadong employer.

Ginagamit ang sitwasyon ng pandemya para makapanlamang, makapanloko at makapang-api ng kapwa. Ganito ang sumbong na inilapit sa BITAG ng mga emple­yadong tumakas mula sa isang pabrika sa Valenzuela.

Bawal lumabas ng pabrika o umuwi sa kanilang mga pamilya ang mga empleyado dahil daw mataas ang mga kaso ng nagpopositibo sa Valenzuela.

Ipina-padlock at nakakandado lahat ng gate ng pabrika para masigurong walang makakalabas. Sa sahig, sa mis­mong gawaan ng mga produkto, natutulog ang mga mang­gagawa.

May pagkain naman daw mula Lunes hanggang Sabado. Pagdating ng Linggo, suwerte na lang kung meron silang kape at kanin. Hindi raw obligasyon ng kompanya na magbigay ng pagkain tuwing Linggo dahil wala raw trabaho.

Ipinadala ng mga empleyado ang video ng kanilang sit­wasyon sa kanilang mga pamilya. Isa sa kanilang ka­anak ang nag-post sa social media ng kanilang video dahil sa sobrang awa sa mga ito.

Nakaabot sa pamunuan ng pabrika ang nangyari at binantaang sasampahan ng kaso ang mga empleyado. Sa sobrang takot, tumakas ang mga manggagawa sa pabrika. Ang masaklap, sa loob raw ng 22 taon nilang pagtatrabaho sa pabrika, P1,000 lamang daw ang kanilang makukuha dahil sa ginawang pagtakas at pagpo-post ng video.

Ikinagalit ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang sumbong. “Hayop, hindi tao ang trato sa mga mangga­gawang ito,” aniya.

Makailang beses nang lumapit ang BITAG sa tanggapan ni Mayor Gatchalian sa mga kasong tulad nito – hindi niya kami binigo. Sabi ko nga, tila Tulfo  kung kumilos laban sa mapang-abuso ang mayor na ito.

Noong Martes, sinamahan ng grupo ni Mayor Gatchalian ang BITAG Investigative Team para i-surprise inspection ang pabrika. Maire-rescue pa ang mga manggagawang natitira sa loob ng kompanya.

Kung tulad lang sana ni Mayor Gatchalian ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga del Sur, mabilis kausap, aksiyon agad at hindi nag-a-abogado sa mga inirereklamo.

E di madali din sanang natapos ang problema ng pasyente’t kanyang misis na nagreklamo laban sa ilang doktor at medical staff ng Zamboanga del Sur Medical Center.

BEN TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with