_ngayon
^

PSN Opinyon

Bakuna Makati’s vaccine on-the-go!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Magandang balita, Proud Makatizens!

Minabuti kong pabuksan na ang natatanging serbisyong drive-thru vaccination sa lahat ng mamamayang nais magpabakuna sa Vaccination On-the-Go (Vax OTG) site sa Circuit Makati grounds, na unang inilaan para lamang sa mga PWD at bedridden Makatizens.

Ito ay upang mahikayat ang mas marami pang mamamayan na makibahagi sa Bakuna Makati mass vaccination program, nang mas mabilis nating makamit ang herd immunity sa ating lungsod.

Gayundin, ang libreng transportasyon ay maaari na ring ibigay sa hindi PWD o bedridden Makatizens na nakapag-online registration na ngunit walang magamit na sasakyan papunta sa Vax OTG site.

Upang mag-register para sa Vax OTG service, puntahan lamang ang www.covid19vaccine.safemakati.com site at i-click ang Vax OTG sa kanang-itaas na corner ng screen. I-type ang inyong confirmation number at piliin ang gustong araw at oras ng pagbabakuna. Puwede ring humiling ng libreng transportasyon sa nasabing site ang mga walang sariling sasakyan. Pagkatapos, hintayin ang confirmation text mula sa BakunaMKT.

Sa itinakdang araw, susunduin kayo ng tricycle sa inyong ibinigay na address at ihahatid sa Vax OTG site sa Circuit Makati. Doon ay sasailalim kayo sa screening, counselling, monitoring at post-monitoring, tulad din sa regular vaccination sites, ngunit hindi na kayo kailangang bumaba mula sa sasakyan. Ganito rin ang proseso para sa mga may sariling sasakyan.

Matapos makumpleto ang proseso ng pagbabakuna, kayo ay ihahatid din pabalik sa inyong mga tirahan.

Ang Vax OTG ng Makati na kauna-unahang drive-thru vaccination site sa bansa ay naisagawa sa pagtutulungan ng pamahalaang lungsod at ng Ayala Malls. Bukas ito tuwing Huwebes at Biyernes, mula alas tres ng hapon hanggang alas siyete ng gabi.

Para sa ating Proud Makatizens na hindi pa nakapag-online registration para sa Bakuna Makati, mag log-in lamang sa www.proudmakatizen.com at i-click ang COVID-19 vaccination form, at sagutan ito nang kumpleto at tamang impormasyon. Irekord ang inyong confirmation number at hintayin ang text message mula sa BAKUNAMKT na magsasabi kung saan, kailan at anong oras kayo mababakunahan.

* * *

Isa pang magandang balita: Binuksan kamakailan ang bagong isolation facility sa Makati Science High School sa Barangay Cembo, sa bisa ng isang memorandum of agreement (MOA) na aming nilagdaan ni Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon.

Natugunan ng nasabing kasunduan ang pangangaila-ngan ng lungsod sa karagdagang health workers na manga-ngasiwa sa ganitong pasilidad, upang patuloy na mabigyan ng dekalidad na serbisyo ang Proud Makatizens. Bukod sa kama, bedding materials, hygiene kits, shower facilities at ambulance service, naglalaan ng karagdagang medical personnel ang PRC para sa pag-monitor at documentation ng mga pasyente dito.

Mayroong 56 beds ang pasilidad na nakalaan sa mga pasyenteng tinatawag na “asymptomatic spreader” na nakatira sa mga maliliit na apartment o bahay, at nangangamba sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang pamilya.

Lagi namang handa ang pamahalaang lungsod ng Makati na makipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan, sa civil society at sa pribadong sektor upang mapababa ang bilang ng mga nagpopositibo at pabilisin ang pagbabakuna sa buong lungsod.

Para sa kapakanan nating lahat, magkaisa tayo upang tuluyan nang mawakasan ang perwisyong dulot ng pandemya.

PWD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with