_ngayon
^

P55 milyong halaga ng marijuana, binunot ng Cordillera police!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2021 - 12:00am

Habang patuloy ang pagkumpiska ng pulisya at   PDEA ng marijuana sa Metro Manila at karatig na probinsiya, iniutos ni Brig. Gen. Ronald Lee, director ng Cordillera police, ang walang humpay na pagbunot ng source nito sa kanilang nasasakupan.

Noong nakaraang linggo lang, halos 12 plantation sites ang sinalakay ng mga tauhan ni Lee sa bundok ng Benguet at Kalinga at binunot ang 280,000 pirasong marijuana plants na nagkakahalaga ng P55 milyon. Kung nakuhang ibaba ng mga sindikato ang droga sa Metro Manila at iba pang parte ng Luzon, maraming kabataan ang malululong sa droga na ito, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Mismooooo!

Kaya masipag magbunot ng marijuana ang mga bataan ni Lee dahil binalaan niya ang kanyang mga provincial directors at chiefs of police na hindi siya ma-ngingiming i-relieve sila kapag patuloy na may bumababa na shipment ng marijuana sa Metro. Kung sabagay, hindi naman biro ang ginagawa ng mga bataan ni Lee dahil karamihan sa lugar kung saan may tanim na marijuana ay NPA-infested.

Hamakin n’yo, malayo ang lalakaring bundok para  lang marating ang kinalagyan ng tanim na marijuana at kapag minalas ay makakaenkuwentro n’yo ang NPA rebels na kabisado ang mga lugar. Dipugaaaaa!

Mula Mayo 17-20, namugad ang mga tauhan ni Lee sa umaabot sa 1,100 square meters na communal lang sa Sitio Dalipey, Tacadang, sa Benguet kung saan nakabunot sila ng 8,650 fully grown marijuana plants na nagkakahalagang P1.7 milyon. Limang plantation sites ang sinalakay ng Cordillera police at wala namang nahuling bantay o cultivator nito.

Ang tropa naman ni Col. Davy Limmong, provincial director ng Kalinga ay nagsagawa ng dalawang araw na operations sa bundok ng Butbot proper at binunot ang 268, 400 na marijuana na nagkakahalaga ng P53 milyon. Kasama ang PDEA sa Cordillera at Kalinga, may nakuha pang 2,500 marijuana seedlings sa pitong plantation sites na may kabuuang 29,400 square meters. Hehehe! Ang lahat na ebidensiya ay sinunog na sa sites. Dipugaaaaa!

Sulit naman ang pagod ng mga operatiba ni Lee, dahil hindi naman sila nabokya. Nag-abot ng cash reward sa kanila si Lee na galing sa sariling bulsa. Hehehe! Naiiba din ang estilo ni Lee para sipagin ang kanyang mga tauhan para magtrabaho. Anong sey mo PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa Sir sa sistema ni Gen. Lee? Dipugaaaaaa! Abangan!

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with