_ngayon
^

Tigas ng ulo ng nagpapabakuna

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2021 - 12:00am

Noong hindi pa dumarating ang bakuna laban sa COVID-19, maraming reklamo at ngayong nagsimula na ang rollout ng bakuna, hayan at may mga reklamo pa rin.

Ang problema naman ngayon ay ang pagpipilian kung anong bakuna ang gustong maiturok ng karamihan.

Kaya minabuti nang hindi malaman ng mga magpapabakuna kung ano ang ituturok sa kanila. Malalaman na lamang nila ito kapag nasa harap na sila mismo ng magbabakuna.

Ngunit may mga iilan namang problema na minsan ay haka-hakang resulta raw ng bakuna.

Gaya nang nangyari sa Cagayan de Oro City na napatunayang hindi naman pala dahil sa bakuna ang ikinamatay ng isang mamamayan.

Ayon sa kinalabasan ng autopsy, may iniinda siyang karamdaman at hindi rin niya sinabing dumaan siya sa open heart surgery bago siya naturukan.

Kaya napakahalaga ng pagiging honest sa mga tinatanong ng health authorities bago maturukan. Mahalaga rin ang pagdadala ng doctor’s clearance bago pumila sa vaccination site.

At bago maiwasan ang anumang problema bunsod ng pagbabakuna, sana naman, maging makatotoha­nan sa ating health conditions habang dumadaan sa screening process.

Huwag matigas ang ulo. Magtulungan tayo para sa ikabubuti hindi lamang sa sarili natin kundi para sa lahat.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with