_ngayon
^

Calabarzon police, didisiplinahin ni Gen. Cruz!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2021 - 12:00am

HALOS dalawang linggo na sa puwesto si Brig. Gen. Eliseo Cruz, director ng Police Regional Office 4-A subalit parang hindi pa niya nararamdaman na RD na siya. Sinabi ni Cruz na hindi pa niya malaman kung bakit napunta siya sa PRO4-A, na masasabing isa sa minimithing posi­tion ng PNP officials.

Kung sabagay, kung trabaho ang pag-uusapan, hindi na maninibago si Cruz dahil nagsimula siyang manung­kulan sa PRO4-A halos pagkatapos niyang magtapos sa Philippine Military Academy (PMA) bilang miyembro ng Class ‘90. Si Cruz ay aide ni Brig. Gen. Romeo Odi, ang director ng PRO4 at dun ko siya nakilala. Dati-rati kasi, kasama sa PRO4 ang PRO4-B, kaya malaki ang sakop ni Gen. Odi, ‘di ba mga kosa?

Nang ma-promote si Odi bilang The Chief of Directorial­ Staff (TCDS) naging madalas ang pagkikita namin ni Cruz dahil dun na ako sa opisina ng amo niya sa Camp Crame nanananghalian. Hehehe! Palaging masarap ang ulam at umaalis akong may scoop stories dahil sa mga binibidang kaganapan sa PNP ni Gen. Odi. Dipugaaaaa! Ang hepe ng PNP noong panahon ni President Ramos ay si Gen. Recaredo Sarmiento. Get’s n’yo mga kosa?

Kung saan-saan na-assign si Cruz hanggang sa naging provincial director ng Cavite kaya alam niya ang kalakaran ng jueteng ni John Yap sa probinsiya ni Gov. Jonvic Re­mulla. Get’s mo Col. Marlon Santos, Cavite PD Sir? Pagkatapos nito pabalik-balik lang si Cruz sa Northern Police District, Southern Police District, Highway Patrol Group at bilang deputy sa Directorate for Plans sa Camp Crame.

Umugong din ang pangalan ni Cruz sa iba pang region ng PNP at nakakagulat na lumanding siya sa PRO4-A. Bagyo rin si Cruz kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, ‘no mga kosa? Kung sabagay, nakaukit talaga sa palad ni Cruz na maging hepe ng PRO 4-A. Mismoooo! Dipugaaaaa!

Sariwa pa sa isipan ni Cruz ang pagiging close aide niya kay Gen. Odi noong tinyente pa siya. Siyempre idol niya si Odi. Nang tanungin ko kung anong programa ni Odi ang ipapatupad niya sa PRO 4-A sa ngayong siya na ang hepe nito, kagyat na isinagot ni Cruz na ang pagdisiplina ng mga tauhan niya. Dipugaaaa!

Kung sabagay, disciplinarian si Odi kaya ginawa s’yang bastonero ng PNP sa TCDS, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Abangan!

PMA PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with