_ngayon
^

Art of investigation, hindi nakayanan? Nag-walkout!

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2021 - 12:00am

Opisyal na lumapag ang mga BITAG Investigators sa Pagadian City noong Lunes. At dahil si Zamboanga Del Sur Governor Victor Yu ang naghamong mag-imbestiga kami sa kanilang probinsiya, siya ang inuna namin.

Isang zoom interview ang nangyari sa pagitan ng BITAG, ni Gov. Yu, ang Provincial Legal Officer na si Atty. Dexter Conejos at mga doktor at nurse na nagsalita sa presscon ng Zamboanga Del Sur Medical Center. Wala si Dra. Romalyn De Castro.

Napuno ng tensiyon at emosyon ang nasabing pag-uusap. Nasa Pagadian ang BITAG Investigative Team kasama si Rommel at mga personalidad na nabanggit. Habang ako ay nasa Manila pa, palipad na sana ako ng Pagadian kinabukasan, Martes.

Bago pa man mangyari ang aming paghaharap sa Zoom, tinawagan ko ang Public Information Officer ng Zamboanga Del Sur Medical Center. Ito’y upang alamin kung anong oras nakahanda si Governor at mga inirerekla­mong medical staff ng ospital dahil nasa Pagadian na ang aking mga tao.

Sagot sa akin ng PIO, hindi pa siya sigurado dahil naka-self quarantine umano si Gov. dahil naexpose ito sa indibiduwal na nagpositibo sa COVID-19. Samakatuwid­, muntik nang hindi mangyari ang pagharap sa amin ni Governor.

Pakiwari ng BITAG, hindi talaga kami gustong harapin ng governor. Malamig ang naging pagtanggap nito sa aking mga staff na nasa Pagadian. Siguro’y buwisit na siya sa akin bago pa man kami magsimula.

Naging magalang pa ako’t nagpasalamat sa kanyang oras sa pagpapaunlak sa BITAG pero wala itong kibo. Nagmukhang “flower vase” ika nga sa mahigit na dalawang oras naming paghaharap sa Zoom.

Hindi yata nakayanan ang estilo ng pag-iimbestiga ng BITAG, dahil matapos magsagutan sina Rommel at ang doktor na umano’y “unang” nag-asikaso sa misis ng nagrereklamo, tumayo ito at nagsabing “bahala ka na” sabay nag-walkout.

Ang doktor naman na humarap sa nagrereklamo, muntik atakihin sa galit kaya nagwalkout na rin. Ang nurse naman ng ER na pinaharap kay Rommel, pinagdidiinang pinainom daw ng pampalaglag ni Rommel ang kanyang misis.

Mapapanood ang buong detalye sa part 7 ng sumbong na ito sa BITAG Official YouTube Channel.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with