_ngayon
^

Indian variant dapat tutukan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2021 - 12:00am

Magandang balita ang sinasabing pagluwag ng mga ospital sa mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19. Ibig sabihin may dahilan para kumambyo na ang pamahalaan sa mas maluwag na quarantine protocols para bigyang daan ang pagsulong ng mga negosyo.

Pero nangyari na iyan noon. Nagluwag na tayo nung una pero biglang nagkaroon ng second wave of attack ang COVID-19 nang nakaabot sa Pilipinas ang UK at African variant na sinasabing mas madaling makahawa.

Nakababahala na sa muling pagluluwag ng quarantine protocols, nababalitaan naman natin ang pagdating sa Pilipinas ng mas nakamamatay na variant mula sa India. Kahit pa nagkaroon ng pagbabawal na makapasok sa Pilipinas ng mga biyaherong mula sa India at iba pang kalapit na bansa tulad ng Pakistan at Sri Lanka, may mga kumpirmado pa ring kaso na nakalusot sa Pilipinas.

Kaya nga on high alert ngayon ang local government units sa pagbabantay para mapigilan ang pagkalat ng virus na nakita natin ang nakahahambal na epekto sa mga mamamayan ng India. Sinasabi kasi na umabot na sa 12 kaso ng Indian variant infection ang naitala.

Ayaw nating maganap sa Pilipinas ang nangyari sa India kaya tayong mga mamamayan na ang dapat mag-ingat sa ating sarili. Alam na natin ang dapat gawin para makaiwas sa pagkakaroon ng sakit na ito.

Sa panig ng gobyerno, importante rin na pabilisin pa ang makupad na vaccination program upang sa lalong madaling panahon ay matamo na ng mga mamamayan ang kinakailangang herd immunity at mapigil na ang pag­laganap ng sakit na ito.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with