^

PSN Opinyon

COVID-19 ‘higanti’ng kalikasan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BAGAMA’T walang aktuwal na katibayan, ipinapalagay ng mga eksperto na sa paniki nanggaling ang SARS-CoV-2. Ito’y dahil maraming kaparehong coronaviruses mula sa naturang hayop na natuklasan nitong nakaraang tatlong dekada. Inulat ‘yan sa Nature Microbiology magazine ni Prof. David Robertson ng University of Glasgow. Ang SARS-CoV-1 na nagbunsod ng epidemya nu’ng 2003 ay nakitang taglay ng mga paniki sa kuweba sa Yunnan, China. Pinatunayan ‘yan ni Dr. Shi Zhengli ng Wuhan Insti­tute of Virology.

Maaring lumundag sa pangolin ang SARS-CoV-2 at nakain ng tao sa Wuhan. Pandemyang COVID-19 ang kinauwian.

Dahil umano sa pagwasak ng kalikasan kaya nahahawa ang tao sa virus mula sa paniki. Sa buong mundo luma­lapad ang mga lungsod papasok ng mga gubat na tirahan ng paniki. Nalulundagan ng viruses ang mga tao. Nilalantakan pa ng tao ang mga ligaw na hayop.

Matira ang matibay ang labanan sa mundo, ani Charles Darwin. Inuubos ng ilang species ng halaman at hayop ang ibang mahihinang species. Nililipol din ng sakit at pagbago ng klima ang mga species na hindi makabagay. Ang global warming ay dahil sa emissions ng industriya ng tao. Nagagambala ang balanse ng kalikasan. Nagma-migrate ang daan-daang milyong paniki, at kumakalat ang viruses nila.

Nagkukumahog ang tao mabakunahan lahat kontra sa COVID-19. Nagmamadali maglabas ng gamot. Pero maaring abutin nang pitong taon ang lunas, anang mga mananaliksik. At marami pang variants ng SARS-CoV-2 ang lilitaw. Iba ru’n ay maglalaho agad; iba ay mananatili at mamiminsala. Kaya maaring milyun-milyon pa ang maiimpekta at mamamatay, babala ng World Health Orga­nization. Parang higanti ng kalikasan ang pandemya dahil sa pagwasak ng tao sa kalikasan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with