^

PSN Opinyon

Malaking tulong ang community pantries

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ANG kariton na pinagmulan ng community pantry sa Quezon City ay lumaganap na ngayon sa buong bansa­. Malaking tulong ang sinimulan ni Ana Patricia Non ngayong­ panahon ngayon ng pandemya. Marami sa ating mga kababayan ang nakakakuha ng libreng pagkain at iba pa. Dito rin lumawak ang pagtutulungan ng mga kababayan natin sa pagbibigay ng donasyon.

Napansin ni Sen. Grace Poe ang sinimulan ni Non kaya naghain siya ng resolution para bigyan ito ng papuri­. Dahil sa magandang ideya ni Non, halos buong bansa ay kumilos at nagtayo ng kani-kanilang community pantry para tulungan ang mga hirap na hirap sa buhay na pinalubha ng pandemya.

Nakita ni Poe ang inisyatibo ni Non at ang magandang epekto nito sa mga komunidad. Sa kanyang resolusyon sinabi ni Poe na dapat kilalanin si Non at ang lahat ng orga­nizer ng community pantries para pag-alabin ang tunay na kahulugan ng Bayanihan spirit sa gitna ng pandemya.

Sa Senate Resolution No. 714 ni Poe sinabi niya, “Fili­pino bayanihan spirit is alive and many Filipinos remain willing to help despite experiencing hardships themselves.” Sabi pa ni Poe, malinaw na pagpapakita ito na may pag-asa tayong mga Pinoy na makaahon sa kahirapan sa pama­magitan ng pagsama-sama at pagtulung-tulong sa kapwa sa pagharap ng hamon ng pandemya. Kaya dapat na hikayatin ang iba pang kababayan na ituloy ang ganitong uri ng pagtulong.

Ang masakit lang, kung kailan lumalawak na ang sini­mulan ni Non, na-red tagged siya ng mga makikitid ang utak sa pamahalaan. Inaakusahang mga komunista. Nasa­pawan ni Non ang mga ambisyosong pulitiko.

Ayon pa kay Poe, “This spirited moment of selflessness amid the pandemic must be encouraged and aided by the government to ensure the implementation of health and safety protocols instead of closing it down or subjecting it to red-tagging.” 

Dapat makita ng pamahalaan na ang pagsulpot ng mga community pantry ay wake-up call sa mga lider ng gobyerno para paghusayin ang kanilang mga trabaho upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

Hanggang ngayon, patuloy ang community pantry na ginaya na rin ng mga taong gobyerno. Noong isang araw, inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang Barangayanihan Help & Food Bank sa buong bansa sa pamumuno ni PNP chief Guillermo Eleazar. Epektibong hakbang ang Barangayanihan para matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap na mamamaya na hindi kayang solusyunan ng pamahalaan.

vuukle comment

COMMUNITY PANTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with