^

PSN Opinyon

Ang pagtatanggol sa soberenya

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Lahat tayo ay tutol sa marahas na pakikipagdigma. Pero hindi naman nangangahulugan na ang pagtindig natin sa soberenya ng ating bansa ay paghahamon ng digmaan.

Mainit pa ring usapin ang pananaklaw ng mga sasak­yang pandagat ng China sa West Philippine Sea. Ngunit sa halip na sawayin ng mismong namumuno sa ating bansa, tila kinakatigan pa. Bagama’t naghahain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs na hindi naman pinapansin ng China, iba naman ang ipinahihiwatig ng Pangulo.

Aniya, dahil sa kapabayaan ng nakaraang adminis­trasyon ni Noynoy Aquino, ang China na ngayon ang nag­mamay-ari sa kabuuan ng South China Sea o West Philip­pine Sea. Maling senyales ang inihahatid ng ganyang mga pananalita ng Pangulo sa international community. Lumi­litaw na isinuko na natin sa China ang ating karapatan sa pinagtatalunang karagatan.

Nakapagtataka ito dahil ang buong mundo ay nasa ating panig, mayroong ruling ang Arbitral Tribunal ng United Nations na kumikilala na ang sinasaklaw na bahagi ng karagatan ng China ay bahagi ng ating exclusive economic zone.

Huwag nating kalilimutan na may kontrata tayong pinasok sa mga dayuhang oil companies para humango ng langis sa WPS.  Ang pagsusuko ng ating karapatan sa China ay katumbas ng pagsira natin sa kontratang nabanggit.

Ang Pangulo mismo ang dapat manindigan at sabihin sa China na sa Pilipinas ang teritoryong kanilang sinasaklaw.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with