_ngayon
^

BIFF

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

Nagbanta si Pangulong Duterte ng all-out military offensive kung patuloy ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa kanilang pag-atake sa Maguindanao na nagbunsod nang malaking problema lalo na sa mga ordinaryong mamamayan.

Matagal nang panahon ang paghahanap ng napa-kailap na kapayapaan sa katimugan ng bansa sa pamamagitan ng peace negotiations hanggang sa naitatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na binubuo ng five provinces, three cities, 116 towns, and 63 barangays out of Mindanao’s 27 provinces, 33 cities, 422 towns and 10,084 barangays.

Ang territorial jurisdiction ng BARMM ay ang mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi, Tawi  at ang mga siyudad ng Marawi at  Lamitan, Cotabato City at ang may 63 barangays sa anim na bayan ng  North Cotabato.

Ang problema ngayon ay ang panibagong gulo dulot ng BIFF na armed group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Bago man nagbanta ng all-out offensive o panibagong opensiba ang Presidente, nagmakaawa muna siya sa BIFF at sa mga local government units at mga opisyales ng BARMM na kung maari nga ay ihinto na o tigilan na ang. mga atake, terorismo at mga pagnanakaw sa mga mamamayan ng Maguindanao at karatig bayan nito.

Pinapaalala ng Presidente na walang ibang talunan sa panibagong giyera sa Mindanao kundi ang mga mamamayan mismo lalo na ng mga matatanda, mga babae at mga bata.

Aniya walang nananalo sa kaguluhan. Tayong lahat ay talagang talo.

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with