_ngayon
^

May matututuhan din tayo sa mga Tsino

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

NANG magsilikas sa Pilipinas ang maraming Tsino dahil sa kaguluhan sa China nung dekada 40, nagsimula sila sa maliliit na negosyo tulad ng pamimili at pagbebenta ng mga junk o basura na puwede pang pakinabangan. 

Madalas silang nilalait ng ating mga ninuno at tinatawag na “Intsik beho tulo laway.” Pero ang mga panlalait ay hindi nakahadlang sa kanila para magsumigasig sa kani­lang negosyo. Matipid sila at naging maayos ang panga­nga­siwa sa kanilang pananalapi.

Dahil sa kanilang talino, lumobo ang kanilang negosyo at mula sa pangangalakal ng basura ay nakapagtayo sila nang malalaking emperyong pangnegosyo. Ngayon, mga Pilipino na ang nangangalakal ng basura in an ironic twist of fate.

Tayo mismong mga Pilipino na nasa sarili nating bansa­ ang naging empleyado nila at wala nang sinumang puwedeng makapang-insulto sa kanila. Niyakap na rin nila ang pagkamamamayang Pilipino at nakapag-asawa ng mga Pilipino kaya karamihan sa atin ngayon ay may Chinese blood sa ating mga ugat.

Bagama’t may mga Pilipino ring nagtagumpay sa negosyo, nakararami pa rin ang mga tinatawag na Pili­pino-Chinese tycoons na nagpapatakbo sa ekonomiya ng bansa. 

Kinikilala natin ang malaking kontribusyon ng mga Pilipino-Chinese sa kaunlaran ng ekonomiya. Pero huwag­ sanang maging rason ito ng China sa ginagawa nilang pana­naklaw sa ating exclusive economic zone sa West Philip­pine Sea. At sana, lahat tayong mga Pilipino, ka­sama na ang mga Pilipino-Chinese ay manindigan sa pakikipag­laban sa ating soberenya sa pinagtatalutang karagatan.

WEST PHILIPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with