_ngayon
^

Babala ni Gen. Eleazar

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

HINDI pa umiinit ang puwit ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa puwesto ay sunud-sunod na ang accomplish­ment na ipinamalas ng kapulisan sa buong bansa. Una ay ang pag-neutralized ng PDEA sa drug syndicate kung saan dalawa ang napatay matapos manlaban sa isinagawang buy bust operation. Maging sa Iloilo City sunud-sunod ang paglambat sa drug pushers. Napagtuunan na rin ng pansin ang mga ilegal na tupada o sabong sa mga liblib na lugar kung kaya ang mga nahuhuli ay himas-rehas na.

Malaking hamon kay Eleazar ang mga pasaway o mga lumalabag sa health protocols. Halos umabot na sa kala­hating milyon ang mga nahuhuli dahil sa hindi pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing. Marami rin ang nahuhuli dahil sa paglabag sa curfew. Hindi pare-pa­reho ang city ordinance ng local government units (LGUs) kaya iba’t iba rin ang kahaharapin ng mga nahuling lumabag.

Maging ang mga nagsasamantalang negosyante ay hindi makaliligtas sa kamandag ni Eleazar. Ipasasara ang mga ito kapag lumabag sa health protocols katulad ng pagdagsa ng mga parokyano na lumalabag sa social distancing.

Katulad nang nangyari noong Mayo 9 (Mother’s Day). Nagpunta ang team ni Gary de Leon ng News5 sa Gubat sa Ciudad resort sa Caloocan City kasama ang cameraman­ na si Arnel Tugade para kunan ang kaganapan at upang makuha rin ang reaksyon ng mga taong pumapasok at lumalabas sa resort. Pero ang nangyari pinagbuhusan ng galit si Tugade. Pinagtulungan siyang bugbugin ng mag­ka­patid na construction workers habang kumukuha ng video sa mga taong pumapasok sa resort.

Nag-viral din ang mga kuha at video ni Philippine Star photo journalist Felicer Santos sa resort kaya mabilis na umaksiyon si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan at ipinasara ang Gubat sa Ciudad. Iniimbestigahan na rin ang barangay chairman at sinibak na ang hepe ng pulis na nakakasakop sa lugar ng resort.

Matitigas talaga ang ulo ng ilang negosyante at mga kababayan na patuloy na nilalabag ang health protocols. Pero sabi ni Gen. Eleazar, hindi na ito mauulit. Hindi sasantuhin ang mga lalabag sa health protocols. Maging ang mga bugok na pulis ay binalaan ni Eleazar ng matatanggal sa serbisyo.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with