_ngayon
^

Igalang, desisyon ng NEA

GO NORTH - Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

Nagdesisyon na ang board of administrators (BOA) ng National Electrification Administration (NEA) sa pagpili ng general manager ng Benguet Electric Coope­rative (Beneco). Napili si Atty. Marie Banaag-Rafael, dating mayor ng Paracelis, Mt. Province.

Napag-alaman na ang bakanteng posisyon ng general manager ng Beneco ay nailathala noon pang nakaraang taon. Naniniwala ako na inihain ng mga aplikante ang kanilang kakayahan, karanasan at ga-ling upang pamunuan ang kooperatiba at sumailalim sila sa proseso ng pagpili. Mayroon naman sigurong naging pamantayan ang BOA sa pagpili ng bagong general manager.

Matapos ang evaluation, napili si Atty. Banaag-Rafael. Kung sa assessment ng BOA ay makabubuti sa kooperatiba at kapakanan ng member-consumers ang endorsement sa kanilang napili, bakit hindi ito igalang?

Napag-alaman ko mula sa isang board of director (BOD) ng kooperatiba, inindorso ng Beneco si OIC ge-neral manager Engr. Melchor Licuben sa pag-aakalang isa lamang siyang aplikante. Ngunit ngayon na may dalawang pagpipilian na naaayon sa proseso, tinanggap naman ito.

Imbes na pagbuhusan ng panahon kung sino dapat ang mamuno sa kooperatiba, bigyang atensiyon ang pagbibigay ng serbisyo sa member-consumers.

Matutuwa ang nakararaming Beneco consumer-members kung malulutas ang diumano’y mga korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga matataas na opisyal nito.

Inaasam nang marami na ang pagpapalit ng pamunuan ng Beneco ay magdudulot ng pagbabago sa kooperatiba para mapagsilbihan ang kapakanan ng consumer-members hindi lang bilang tagapamahagi ng kuryente!

* * *

Para sa suhestiyon: art.dumlao@gmail.com

NEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with