_ngayon
^

Nananalo ang agham laban sa pagtanda

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

Naghuhuntahan ang magkaibigang lalaki na parehong edad-83. “Ang hirap nitong tumatanda, puro sakit at hapdi ang dinaranas ko sa katawan,” angal ng una. “Ikaw ba, ano’ng pakiramdam mo?”

“Para akong kasisilang na sanggol,” anang katoto. “Walang ngipin, walang buhok, at napansin kong napaihi na naman ako sa lampin.”

Malimit sabihin na kalabaw lang ang tumatanda – ibig sabihin nasa isip lang ng tao ang pag-eedad. Pero totoo namang may ibang dinaranas ang katawan ng seniors. Humihina ang paningin at pandinig, pumupurol ang memorya, bumabagal ang pagtunaw ng kinain. Nalalaglag ang muscles, natutuyo ang synovial fluid sa spine kaya nakukuba, nalalagas ang ngipin at buhok kaya nawawalan ng pangnguya at panangga sa lamig. Lumulutong ang buto, tumatagal gumaling ang sugat, at isa-isa bumibigay ang mga laman-loob.

Napapalala pa ang mga kundisyong ‘yan sa kaaalala ng nagkakaedad. Itinanim kasi ng kanluraning kaisipan at sining sa isip natin na nakikipagkarera ang tao sa panahon. Marahil nakadagdag pa ang sabi ng Bibliya sa Mga Awit 90:10, na “Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitumpong taon, o kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walumpong taon.” Naiisip ng tao na pagtuntong sa edad-70-80 ay departure area na.

Pero humahaba ang buhay ng tao. Dahil ito sa sapat na pagkain at gamot, kapayapaan imbis na giyera, at modernong kaalaman sa pag-aalaga ng katawan. Dati isa-isa ginagamot ng doktor ang mga sakit ng matatanda. Ngayon pinag-aaralan ang mismong pagtanda at kung paano ito pababagalin. Kaya ordinaryo nang umabot sa edad 90, at parami nang parami ang centenarians. Para na ring giant tortoise sa Galapagos: kasing sigla sa edad 180 tulad nu’ng edad 18 lang siya.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SANGGOL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with