_ngayon
^
EDITORYAL - Ikinakalat ang virus

EDITORYAL - Ikinakalat ang virus

(Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2021 - 12:00am

Sa ginawang pagbubukas ng Gubat sa Ciudad resort sa Caloocan City noong Linggo, nang-akit lamang ito ng virus. Hindi kaya naisip ng may-ari ng resort na magbubunga nang pagdami ng kaso ng COVID ang ginawa niyang pagbubukas ng negosyo. O naisip na niya ito pero mas nanaig sa kanya ang kumita nang limpak.

Mayroon talagang mga negosyanteng hindi iniisip ang kapakanan at kaligtasan nang nakararami. Basta ang mahalaga sa kanya ay kumita at bahala na kung kumalat man ang sakit. Balewala rin sa kanya kung malabag man niya ang ipinag-uutos ngayong may pandemya. Wala siyang pakialam at gagawin kung anuman ang gusto niya.

Kahit mahigpit na ipinagbabawal ang pagbubukas ng resort sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), binuksan niya sa publiko noong Linggo. Agad nagdagsaan ang mga tao – bata, matanda, pami-pamilya at naglunoy sa resort. Nawala na ang social distancing. Sama-sama na silang nagpalamig sa resort. Sa kuha ng mga retrato na nag-viral sa social media, makikita ang maraming tao na kampanteng-kampante na para bang walang nananalasang virus.

Pero hindi mangyayari ang ganitong senaryo kundi dahil sa pagkagahaman ng may-ari ng resort at damay din dito ang barangay chairman na may hurisdiksiyon sa lugar. Nararapat panagutin ang mga ito sa nangyaring paglabag.

Nang kapanayamin sa Teleradyo si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, hindi niya masabi kung sino at kung nasaan ang may-ari ng resort. Hindi niya alam ang pangalan ng owner. Kinansela na umano niya ang business permit ng resort. Sabi naman ng barangay chairman na si Romeo Rivera, hindi raw niya alam na nagbukas ang resort noong Linggo.

Ang aksiyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang hinihintay ngayon hindi lamang sa may-ari ng resort kundi pati na sa local officials na naging pabaya. Sinibak na ang hepe ng pulis na sumasakop sa lugar. Kailan kaya ang barangay chairman at iba pang opisyales.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with