_ngayon
^

P1,000 ayuda sa Bayanihan 3, kulang

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2021 - 12:00am

Ano ba naman iyan? Ipinapanukala sa binabalangkas­ na Bayanihan 3 ang ayudang P1,000 kada tao lang na ibi­bigay­ sa dalawang tranches. Napakalayo sa panukalang P10,000 Ayuda Bill na isinusulong ng Grupong Back to Service, Call to Action ni Taguig Rep. Alan Peter Caye­tano na no-pansin sa ibang Kongresista.

Sa kritikal na panahong kagaya ngayon, ito sana ay malaking tulong sa sambayanan. May karapatan ang bawat­ isa na katukin ang puso ng  kani-kanilang mga kon­gre­sista upang manawagan na suportahan ang P10,000 Ayuda Bill.

Noong Pebrero 2021 pa inihain ng grupo ni Cayetano ang panukala ngunit tila patuloy na tinutulugan ng ibang mambabatas. Huwag naman sanang pulitikahin ang mga panukala para sa kapakanan ng taumbayan. Hindi man lamang ito binigyang halaga noong dinggin ng Kamara ang panukalang Bayanihan 3. Bagkus, isinulong pa ng House Committees on Economic Affairs at Social Services na tig-P1,000 na lamang ang ibigay sa bawat Pilipino sa dalawang tranches.

Tutal, P200 bilyon ang inilaang pondo para rito. Sapat ito para mabigyan ng P10,000 ayuda ang mga pa­mil­yang Pilipino na dumanas ng sobrang kahirapan at kagu­tuman dahil sa COVID-19. Para lang kasing limos ang P1,000  kumpara sa P10,000 ayuda na puwedeng gamitin para sa pag-uumpisa ng maliit na kabuhayan para ma­ka­bangon ang mga inilugmok ng COVID-19.

Sabi nga ni Cayetano, “extraordinary times need extra­ordinary measures” kaya hindi talaga uubra ang P1,000 na ito. Malaki rin ang tiwala ng dating Speaker na hindi ivi-veto ni President Duterte ang P10,000 Ayuda Bill kung ito ay makakalusot sa Kongreso dahil hindi naman maikakaila na mahalaga at malaki ang maitutulong nito sa mga benepisaryo.

Dahil hindi inaksyunan ng Kamara ang P10,000 Ayuda bill, inilunsad na mismo ni Cayetano at ng kanyang mga kasamang kongresista noong Labor Day ang Sampung Libong Pag-asa kung saan mahigit 200 indibidwal ang nabigyan ng P10,000 ayuda mula sa 13 lugar sa bansa kasama na ang Caloocan, Quezon City, Mandaluyong, Marikina, Taguig, Rizal province, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Sur at Ormoc City.

Kahapon din ay namigay si Cayetano at ang kanyang grupo ng P10,000 ayuda sa 20 indibidwal sa Batangas. Maliban pa ito sa halos mahigit 30 kataong nabigyan ng P10,000 ayuda nina Cayetano mula nang ihain nila ang panukala sa Kamara.

AYUDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with