^

PSN Opinyon

Sa lahat nang naniwala

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Nagsalita na si President Duterte. Kung naniwala raw kayo sa kanyang pangakong sasakay siya ng jet ski at magtatanim ng bandila ng Pilipinas sa isang isla sa South China Sea bilang pag-aangkin ng teritoryo, e “stupid” daw kayo. Biro lang daw iyon sa panahon ng kampanya. Ang nata­tandaan ko ay binanggit niya iyon noong debate ng mga kan­didato noong 2016. Kaya iyan. Ilan kaya ang naging “stupid­” noong Lunes ng gabi?

Umatras din si Duterte sa pag-debate kay retired Su­preme Court Associate Justice kung saan siya ang nanghamon. Ang ginawa ay inutusan ang kanyang tagapagsalita na makipag-debate. Ang isa sa mga dahilan niya, naka­limutan daw niya na hindi presidente si Carpio. Kailan ba naging presidente si Carpio?

Ayon naman kay dating Philippine Ambassador to the US Jose Cuisia, bakit hindi sisihin ni Duterte ang China sa hindi pagsunod sa usapan na lahat sila ay umatras mula sa Panatag Shoal? Kasama pala si Cuisia sa usapan kung saan namagitan si dating US Assistant Secretary of State Kurt Campbell.

Kaya kung may mga tanong si DFA Sec. Teodoro Locsin na napilitang humingi ng paumanhin kay Chinese Foreign Minister Wang Yi kung bakit umatras ang Pilipinas sa Panatag, kasi marunong tayong sumunod sa usapan. Doon pala sa Beijing na lang siya magtanong kung bakit hindi sumunod sa usapan.

Idinaing naman ni Sen. Panfilo lacson na ang Pilipinong botante ay madaling makumbinsi kung sino ang ibo­boto. Kadalasan ay libangan tulad ng mga sayaw, kanta, pagbibiro sa panahon ng kampanya ay sapat na. Mara­ming kandidatong nakaupo ngayon ang gumamit ng gan­­yang pangangampanya. Hindi napag-uusapan ang mga pakay na mahalaga para sa bayan. Wala tayong magagawa kung marami nga ang nagpapaloko.

Isang taon na lang ay halalan na muli. Tulad nga na sabi ni Duterte, stupid ang mga naniwala sa pangako niya na biro lang daw. Mababa ang tingin ng ilang kandidato sa karamihan ng Pilipinong botante. Ikaw, anong klaseng botante ka?

vuukle comment

US

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with