^

PSN Opinyon

Araw ng salubong

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Dumating na sa bansa ang BioNTech, ang bakunang hatid sa mundo ng Pfizer pharmaceutical company. Ito ang itinuturing na gold standard sa vaccines. Mahigit 193,000 doses ang naglanding nung Lunes na bahagi ng donasyon ng WHO Covax facility. Hindi pa ito kabilang sa mga inorder at babayaran natin mismo. Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez, mga 1.1 million pang Pfizer doses ang pararatingin ngayong Mayo.

Malaking tulong sa ating kumpiyansa na magkaroon na rin ng bakunang gamit sa US, Europe at iba pang mayayamang bansa. Sa Israel, una sa buong mundo sa pagbakuna ng populasyon, Pfizer ang gamit. Marso pa lamang ay halos natapos na sila.

Ang paglanding ng Pfizer, kasunod ng milyun-mil­yong AstraZeneca at Sinovac, ay pagpatibay na parating na ang buhos ng ating mga bakuna. Ang usap-usapan pa nga ay sa 3rd quarter, sapat na ang bilang upang makakapamili pa tayo kung aling brand ang kursunada. Ang Moderna rin ay inaasahang papasok na next month. Ito, kasama ng Indian made vaccines na Novavax, ang kinontrata ng pribadong sektor sa pagbakuna ng kanilang mga kawani.

Timing din ang pagdagsa ng bakuna dahil lalong umigting ang pangangailangan dala ng pagdating ng mga matinding variant ng COVID-19. Kahapon din ay kinumpirma na narito na sa bansa ang variant na galing sa India. Nauna na rito ang kumpirmasyon ng mga variant mula sa South Africa, U.K. at Brazil na hindi pa natin maintindihan ang epekto sa bisa ng mga bakuna. Ang alam lang natin ay peligroso silang sobra.

Sa Biyernes, tinatayang luluwagan na ang ating MECQ status upang tuluyan nang balansehin ang pangangailangan ng ekonomiya sa ating pangangailangang pangkalusugan. Mismong sina Health Sec. Francisco Duque ay nariringgan na rin natin nang pag-amin na masyadong mabigat ang halaga sa lipunan ng pag-control ng pandemya.

Maganda man ang ating balance sheet para makapa­ngutang, hindi naman tayo maaring mabuhay sa pangu­ngutang lamang. Kailangan pa rin na magkaroon ng pro­duk­syong lokal upang kayanin ang laban sa pangmatagalan.

vuukle comment

PFIZER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with