^

PSN Opinyon

Kumpulan ng mga tao ay iwasan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SUPER init ng panahon ang nararanasan ngayon. Subalit hindi dapat maging pasaway sapagkat patuloy ang pagtaas ng COVID cases. Kaya umiwas muna sa pagkukumpulan nang ang virus ay maiwasan.

Sa ngayon ay unti-unti nang bumababa ang mga nagkakasakit subalit nararapat pa ring sumunod sa health protocols. Sa kabila nang paalala na iwasan ang mass gatherings may mga manhid at walang pakialam tayong mga kababayan. Patuloy nilang nilalabag ang pinagba­bawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Departtment of Health.

Katulad na lamang sa nakunan ng mga larawan at video ng kasamahan kong photo journalist na si Felicer Santos  na naliligo sa Gubat sa Ciudad sa Caloocan City. Malinaw na may paglabag ito dahil hindi na nasunod ang social distancing, Kaya siguradong magkakamot ng bun­bunan si Caloocan City Mayor Malapitan at mga barangay officials na nakakasakop sa resort. Kasi nga baka ito ang maging sanhi ng hawahan ng COVID-19.

Panawagan ko sa management ng Gubat sa Ciudad­, ihanda na ninyo ang mga listahan ng mga naging­ customer n’yo para mapadali ang contact tracing na isasa­gawa ng Caloocan City Health Department. Sa mga negos­yante na nagnanais na magsamantalang kumita ng pera, magnilay-nilay muna kayo sa negosyo dahil hindi kayo sasantuhin ng kamandag ni Digong kapag luma­bag sa ipinagbabawal na health protocol.

Samantala, dalawang masuwerteng mananaya na naman ang maghahati sa mahigit P100 milyon jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola noong Sabado ng gabi ayon sa report ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa pahayag ni PCSO General Manager Royina Garma, ang winning numbers na 15-36-03-24-06-08 ay may premyong­ P101,321,872.40. Ang dalawang nanalo ay bumili ng kanilang lotto ticket sa Iriga City, Camarines Sur at Davao City, Davao del Norte. Siguradong mag-iiba ang pamumuhay ng mga ito sa panahon ngayon ng pandemya.

Samantala 24 pa na mananaya ang nanalo ng tig-P24,000 matapos na makuha ang lima sa anim na nanalong numero. Ang Regular Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado ng gabi. Para makuha ang kanilang premyo, kinakailangan lamang magtungo ang mga nanalong mananaya sa PCSO main office sa Mandaluyong City at magdala ng dalawang valid ID  at ang kanilang winning ticket.  Samantala hinimok naman ni Garma ang publiko na tangkilikin ang mga laro ng PCSO para makakuha ng karagdagang pondo upang maitulong sa mga nangangailangang mamamayan.

Sa pamamagitan ng medical access program ng ahensya, na pinopondohan ng kita ng mga laro ng PCSO ay nakatutulong ito sa hospital confinement, chemotherapy, dialysis, at post-transplant medicines para sa nangangailangang mga kababayan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with