^

PSN Opinyon

Bagong PNP chief

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SI Gen. Guillermo Eleazar na ang bagong PNP chief. Pina­litan niya si Gen. Debold Sinas na nagretiro na noong Sabado. Sa totoo lang dapat matagal nang naging hepe si Eleazar pero marami sigurong dahilan kung bakit may mga inuna muna sa kanya. Sa kanyang talumpati nang isalin sa kanya ang posisyon, nangako siya na lilinisin ang PNP para mawala ang mga tiwali.

Tatanggalin din daw niya ang sistemang padrino at korapsyon­ na nananatili sa pagtalaga ng mga bagong opisyal sa PNP. “You will hate me” ang kanyang babala sa lahat ng tiwaling pulis. Binanggit niya na sa taas ng sahod at benepisyong natatanggap ng kapulisan ngayon, marami ang puwedeng pumalit sa kanila. 

Sa totoo lang, laging ganito ang unang talumpati ng bagong PNP chief. Pero ang katotohanan ay hindi pa rin nawawala ang mga masasamang pulis, mataas man o maraming benepisyong natatanggap. Pero ganun pa man dapat bigyan ng pagkakataon si Eleazar. Binanggit niya na QR code na lang ang magiging pagkakakilanlan ng mga pulis, walang pangalan o litrato, mga kuwalipikasyon lang para mawala nga ang padrino-padrino pagdating sa  pagsusuri. Magandang simula, kung maipatutupad at magbibigay ng resulta.

Pero sa tingin ko ang pinakamahalagang dapat ipatupad ni Eleazar ay ang paggamit ng body cams ng mga pulis. Wala talagang hepe ng PNP ang nagpatupad ng body cams kahit ilang taon nang may pondo at nakabili na nga ng ilang libong gamit. Ang huling balita ay sinusuri pa ang paggamit pero taon na rin ang dumaan. Nakapagtataka kung bakit ayaw ipatupad ng PNP ang body cams. Ano ang takot nila kung maayos naman ang kanilang mga operasyon?

Sa ibang bansa, ilang beses nahuhuli ang pulis na nagkakamali o gumagawa ng masama dahil sa body cams. Inaasahan natin na kung may pulis na papatayin ang kanyang body cam ay may ibang matinong pulis na patuloy na kukuha ng video. Hindi naman masamang mangarap pero ilang dekada na tayong nangangarap.

Humingi ng suporta si Sinas para kay Lt. Gen. Eleazar­ bilang­ bagong PNP chief. Marahil ay dahil maliit ang natanggap na suporta ni Sinas dahil sa ilang kontrobersiyal na kaganapan habang siya ang hepe. Inaasahan na makikita ang pagbabago sa PNP sa ilalim ni Eleazar, kahit ilang buwan lang siya mamumuno.

vuukle comment

DEBOLD SINAS

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with