_ngayon
^

Carpio pumuntos

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

Malaking plus factor ang natamo ni ex-SC Associate­ Justice Antonio Carpio sa madaliang pag-urong ni Presidente Duterte sa hamon nitong debate tungkol sa usapin ng West Philippine Sea.

Nagkatotoo ang aking hula na hindi magaganap ang debateng ito dahil sa huling oras ay aatras ang naghamon. Alam niyang wala siyang kalaban-laban. Sa halip, itinalaga ng Presidente ang kanyang tagapagsalitang si Harry Roque na kumatawan sa kanya sa debate.

Maraming rason ang Palasyo. Kesyo hindi raw tama na ang Presidente ay makipagtunggali sa isang ordinaryong abogado. Ayon naman kay Chief Legal Counsel Salvador Panelo, hindi naman daw pormal na academic debate ang sinasabi ng Presidente kundi pasasagutin lang si Carpio sa ilang isyu na nauukol sa pananaklaw ng China sa pinagtatalunang karagatan.

Itanggi man ng kampo ng administrasyon, wagi si Carpio by default. Sa mata ng tao talagang panalo na ang retiradong mahistrado. Ang nakataya kasi sa panig ng naghamon ay ang kanyang dangal na nasira matapos niyang urungan ang sariling hamon na tinanggap ng hinamon.

Kung natuloy ang debate, siguradong ito’y pagpipis­tahan ng madla at magkakaalaman kung sino nga ba ang dapat sisihin sa nangyayari ngayong militarisasyon ng China sa malaking bahagi ng West Philippine Sea.

Pero hindi nangyari dahil natanto ng Presidente na ito’y magiging malaking kahihiyan niya kung ilampaso siya ni Carpio sa debate.

ANTONIO CARPIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with