_ngayon
^

Epekto ng pandemya sa kinabukasan ng bata

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

Sa unti-unting pagluwag ng pandemic lockdown, palayo nang palayo ang ginagala nating lugar sa labas ng bahay. Para tayong nagsusuri ng pinsala pagkalipas ng bagyo. Wala na ang suking barberya, ang paboritong restoran, ang dating pasyalang resort sa dulo ng lungsod. Maraming bakanteng gusali, naglalakad na tila tuliro, at namamalimos.

Malaking sakuna talaga itong COVID-19.

Malalim ang sugat sa lipunan ng pandemya. Apat na mil­yon ang out-of school youth. Karamiha’y mga estudyante­ sa pribadong paaralan na kinapos ang pang-tuition, ani Sen. Sonny Angara. At karamihan ay grade school. Ibig sabihin kailangan pang matuto ng basic Math, Science at Reading para makapaghanapbuhay sa wastong edad. Baka nga tuluyan na silang mawalan ng interes sa pag-aaral, nag-aalala si Angara na chairman ng Senate committee on education. Wala silang iaasenso.

Samantala, napag-iwanan ang Pilipinas ng mag-aaral sa mga kapit-bansa. Sa Malaysia, Vietnam, Thailand at Sin­gapore patuloy ang face-to-face classes habang sa Pili­pinas ay mahabang bakasyon kasunod ang online learning. Batid ng mga eksperto na ‘di epektibo ang puro online. Mas dudumugin ng investors kung saan mataas ang pinag-aralan.

Nalusaw ang puhunan ng maraming entrepreneurs. Malaking halaga ang nilaan ng gobyerno para makabangon sila. Pero sa papel lang ‘yon. Sa totoo kapos ang koleksiyon ng buwis dahil nga lagapak ang ekonomiya. Hirap ding umutang ang gobyerno dahil sa pangmatagalang epekto nu’n. Mga apo ng apo natin ang magbabayad ng uutangin natin.

Hindi na maibabalik ang mga pinatay ng COVID-19. Ma­aring permanente at seryoso ang epekto sa katawan ng daan-daang libong gumaling mula impeksiyon, anang mga doktor. Dapat alalayan sila.

Maraming nabuntis nang murang edad, wala pang 16, anang Population Commission. Habambuhay dadalhin ng mga teenage mothers ang maselang epekto nito sa kalusugan, isip at kabuhayan nila.

COVID-19
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with