_ngayon
^
EDITORYAL - Mag-face mask o makulong

EDITORYAL - Mag-face mask o makulong

(Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

Ipinag-utos ni President Duterte na arestuhin, imbestigahan at saka ikulong ang mga walang face mask. Kung maaari, siyam na oras ikulong ang mga mahuhuli. Mula nang tumama ang pandemya, mahigit isang taon na ang nakararaan, ngayon lamang nag-utos ng ganito ang Presidente. Marahil napuno na siya sa dami ng mga pasaway dahilan para dumami ang mga nahahawahan ng virus. Halos araw-araw, mataas ang kaso ng COVID.

Sabi ng Presidente, marami raw na nagsusuot ng face mask pero for compliance lang. Naglalagay ng mask pero nakalabas ang ilong. Kaya pinag-utos na niya na arestuhin ang mga walang face mask at ang mga hindi maayos na pagsusuot nito.

Marami naman ang sumusunod sa health protocols gaya nang pagsusuot ng face mask at face shield. Ang problema, mali o hindi siniser­yoso ang pagsusuot ng face mask. Tama ang sabi ng Presidente na may mga naka-face mask pero nakalabas naman ang ilong. Meron naman na ang face mask ay nasa baba (chin). Mayroon din naman na ang face shield ay nasa ulo kaya lantad din ang mukha.

Ipinaalala ng Department of Health (DOH) na nararapat na natatakpan ang ilong at bibig. Kapag hindi ito lubusang natakpan ng facemask, dito papasok ang virus na galing sa mga taong infected. Mabilis maglakbay ang virus na kasama ng droplets na ibinahin, iniubo o maski nagsalita ng mga COVID infected. Kapag hindi nakoberan ang bibig at ilong, malaking porsiyento na mahawa.

Ang pagsusuot ng face shield ay mahalaga sapagkat bukod sa mahaharang nito ang droplets, maiiwasan din na mahawakan ang ilong, bibig at mata.

Sumunod sa utos. Ito ang mahalaga ngayon para makaiwas sa virus. Huwag hintayin na ma­gaya ang Pilipinas sa India na sobrang taas ng kaso at libo ang namamatay araw-araw. Makiisa ang lahat para hindi na kumalat ang COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with