_ngayon
^

Border control

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

Medyo nagkaroon ng kaunting kalituhan  at gulo rito lalo na sa kung paano naunawaan ng mga mamamayan dito sa Southern Mindanao ang mungkahing border control para sa mga nais pumasok ng rehiyon bilang isang measure upang maiwasan ang patuloy na paglaganap ng COVID-19.

Kapag sinabing Southern Mindanao Region, o Davao Region, o Region XI, ito ay kinabibilangan ng Davao City, Davao del Sur, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental at Davao Occidental na may kanya-kanyang border sa pagitan ng iba’t ibang probinsiya.

Gaya ng Davao City na may border ito sa Bukidnon habang ang Davao Oriental ay may connection din patungong Surigao del Sur, ang Davao de Oro ay para sa mga bumibiyahe tungong Agusan provinces at ang Davao Occidental ay may border kasabay ang Saranggani at General Santos areas, ang Davao del Sur naman ay may North Cotabato areas.

Madalas maraming bumibiyahe sa mga nasabing borders araw-araw kaya nga iminungkahi ni presidential daughter at Mayor Sara Duterte-Carpio na magkaroon na ng guidelines para ma-regulate ang pagpasok sa rehiyon lalo na sa mga non-essential travels o ‘yong mga galing Visayas at Luzon na gustong pumasok ng rehiyon.

At nagpalabas na nga noong isang araw ng “uniform guidelines to regulate entry and exit in regional borders of Region 11” ng Executive Order ng Davao City government na pinirmahan ni Mayor Sara.

Ang guidelines naman ay aprubado ng Regional Inter-Agency Task Force against Emerging Infectious Diseases- Regional Task Force na kailangan ngang dumaan sa checkpoints and mga bumibiyahe.

At para sa mga bumibiyahe sa pamamagitan ng eroplano, kailangan ang negative RT-PCR swab test results upang makapasok sa. Davao International Airport.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with