_ngayon
^

Eleazar, nagbanta vs tiwaling pulis!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

Kamumuhian ng mga tiwaling pulis ang bagong upong hepe ng Philippine National Police na si Gen. Guillermo Eleazar dahil sa mga patakaran na kanyang ipairal tungo sa makabagong imahe ng PNP. Kaya sa kanyang turnover speech noong Biyernes, nanawagan si Eleazar sa mga unit commanders at team leaders na maiging trangkuhan ang kani-kanilang tauhan para hindi sila maganyak sa masamang gawain na makakasira sa imahe ng organisasyon.

Hindi naman kaila mga kosa na kalimitan ang mga pulis ay tinatawag na “pulis patola” o “kotong cops” dahil ayaw nila magpasaklaw sa disiplina ng PNP lea-dership. “Sa mga natitirang hoodlum in police uniforms, sisiguraduhin ko sa inyo, you will hate me,” ani Eleazar, ang 26th chief ng PNP. “Hindi ako magdadalawang-isip na magtanggal ng mga tiwaling pulis dahil sa laki ng suweldo na binibigay sa atin ng ating gobyerno at benepisyo, sigurado akong maraming gustong pumalit sa inyo.” Mismooooo! Dipugaaaaa!

Ipinangako naman ni Eleazar na habang siya ang PNP chief, maging ang isang sentimo na pondo na inilaan ng gobyerno ni President Digong ay makakarating sa bulsa ng mga pulis. Nang sa gayon, magdadalawang-isip ang sinumang pulis, maging heneral man, opisyal o patrolman o patrolwoman na gumawa ng kalokohan dahil hindi sila kukunsintihin ng kanilang mga kasamahan.

Napupuna naman ng mga kosa ko na kapag may isang “bulok” sa grupo o team ng mga pulis, kalimitan lahat sila napaparusahan kapag may gumawa ng hindi kanais-nais. Unfair, di ba mga kosa? Tumpak! Dipugaaaaa!
Paiigtingin din ni Eleazar ang kampanya laban sa street crimes at ‘yan ay sa pagbigay nang malaking papel sa mga opisyales ng barangay. Hindi lang ‘yan! Itatatag din ng bagong PNP chief ang “Sumbong mo, Aksiyon ko,” complaint center kung saan ang lahat ng reklamo ng mamamayan ay dapat aksiyunan kaagad ng police stations o units na may saklaw dito. Dipugaaaaa! 
‘Yung nasa mga kosa ay iilan lang sa programang inihain ni Eleazar sa ilalim ng «Intensified Cleanliness Policy» para itama ang mga minor o maliliit na problema ng PNP bago ito maging malala, hehehe! Si Eleazar ay magiging hepe ng PNP sa loob ng anim na buwan at limang araw at kapag nabago niya ang imahe ng PNP tiyak manunumbalik ang tiwala ng mga Pinoy sa kapulisan. Mismoooo! Dipugaaaaa!

Abangan!

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with