_ngayon
^
EDITORYAL - Unahin, scalawags sa PNP

EDITORYAL - Unahin, scalawags sa PNP

(Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

Maraming scalawags sa Philippine National Police (PNP) at ang mga ito ang nararapat na unahing durugin ng bagong upong PNP chief Gen. Guillermo Eleazar. Hangga’t may scalawags sa PNP, hindi ito makababangon sa subsob na imahe at laging mababa ang tingin ng mamamayan. Madungis ang PNP sa tingin ng mamamayan dahil na rin sa kagagawan ng mga miyembro.

Kahapon isinalin kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang pamumuno sa 200,000 pulis sa buong bansa. Pinalitan niya si PNP chief General Debold Sinas na nagdiriwang ng kaarawan ngayon. Pamumunuan­ ni Eleazar ang PNP hanggang Nobyembre ng kasa­lukuyang taon.

Matagal nang bulung-bulungan na si Eleazar ang susunod na PNP chief kaya marami ang nag-aabang sa anunsiyo ng Malacañang. Hanggang sa ihayag nga ni Interior Sec. Eduardo Ano noong Miyer­kules na nilagdaan na ni President Duterte ang appointment ni Eleazar. Bumaha agad ang mga bumati kay Eleazar sa pamamagitan ng social media. Nagpa­salamat si Eleazar sa mga nagpaabot ng pagbati at sinabing susuklian niya ito nang mabuting pagli­lingkod. Hindi niya bibiguin ang mga umaasa sa kanya.

Naniniwala kami na maraming magagawa si Eleazar para maibangon ang imahe ng PNP. Mara­ming pulis ang sangkot sa masasamang gawain – protector ng ilegal na droga, ilegal na sugal, kid­napper, hulidaper, kotongero, drug user at marami pang ilegal na aktibidad. Maraming abusado sa katungkulan na laging ipinagyayabang ang naka­sukbit na baril. Mga makakati ang daliri sa gatilyo at walang awang umuutang ng buhay gaya ng isang pulis sa Tarlac na binaril nang malapitan ang mag-ina.

Ang ugaling ito ng mga pulis ang dahilan kaya bagsak ang imahe ng PNP. Bagama’t may mga mabu­buting pulis, mas marami ang gumagawa ng palso kaya naman natatakot ang mamamayan. Makita lamang ang asul na uniporme ng pulis, kinatata­­kutan na. Sa halip na lapitan para hingian ng tulong ay nila­layuan.

Umaasa kami na magagampanan ni Eleazar nang buong husay ang tungkulin. Makakaya niyang linisin ang PNP para maibangon ito sa pagka­subsob. Maaari niyang ibalik ang nasirang tiwala ng mamamayan. Itodo na niya lahat ang nalalaman para kuminang ang PNP.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with