^

Digong, Teddy Boy kontra-pelo ba?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

Magkasalungat ba ang paninindigan nina Presidente Duterte at Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin Jr. hinggil sa patuloy na pananaklaw ng China sa mga territorial waters ng Pilipinas sa West Philippine Sea?

Kamakailan lang, inihayag ng Pangulo na “kaibigan ng Pilipinas ang China” at iniiwasan niya na magkaroon ng madugong komprontasyon ang dalawang bansa. Si­nabi pa niya na dahil siya ang “owner” ng pinagtatalunang kara­gatan, pinapayagan niya ang China na mangisda sa na­tu­rang territorial water na bahagi ng ating exclusive economic zone (EEZ).

Pero ilang buwan na ang lumipas sapul nang mag-deploy ng daan-daang maritime militia ang China sa Julian Felipe Reef at dahil dito, nagsimulang maghain ng sunud-sunod na diplomatic protests ang DFA laban sa China pero tila hindi nagpapatinag ang nabanggit na bansa.

Oo nga’t nabawasan ang bilang ng mga barko nito, pero naroroon pa rin ang ilang barko na tila sinasabing amin ang teritoryong ito. May insidente pa nga kama­kailan na ang mismong barko ng Philippine Coast Guard na nagpapatrulya roon ay itinaboy ng mga puwersang Intsik.

Walang tigil sa kakapadala ng diplomatic protest ang DFA na di naman pinapansin ng China kaya sa kanyang twitter account, naging marahas na sa kanyang pana­nalita si Locsin. Aniya: “China my friend, I don’t know how to say this politely but...Get the F— out!”

Dapat yata si Presidente ang nagsasabi ng ganyang malaswang salita dahil he is the only one who can get away with it. Pero wala tayong naririnig ni kahit katiting na galit mula sa kanya kaugnay ng isyung ito.

Para sa akin, mas tama ang ginawa ni Teddy Boy. Kaya lang, ito ay indikasyon na magkaiba ang paninindigan ni Locsin kaysa Pangulo pagdating sa usapin ng China. Ang Cabinet secretaries ay alter ego ng Pangulo at hindi counter ego.

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with