^

China tumangay ng 58M kilong isda kada himasok

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2021 - 12:00am

MAGNANAKAW! Ipaalam sa mundo kung ano’ng ginawa ng Chinese maritime militia sa Pilipinas noong Marso-Abril.

Namasok ang 240 higanteng trawlers sa exclusive economic zone sa West Philippine Sea. Bawat trawler na 60 metro ang haba ay kaya humakot ng 24,000 kilo ng isda. Ayon ‘yan sa National Task Force for the West Philippine Sea. Kaya kabuuang 57,600,000 kilo ang tina­ngay ng mga magnanakaw sa bawat himasok. E nagpa­balik-balik sila sa karagatan natin matapos maglagak ng huli sa Sansha, Hainan, headquarters ng Chinese maritime militia. Samantala, dahil kulang sa supply, umaangkat pa ang Pilipinas ng galunggong mula Hainan – mala­mang nakaw sa WPS.

Pagkaing-dagat ang pangunahing pinagkukunan ng Pilipino ng protein. Sa kananakaw ng China ng isda natin, nasisira ang ating kalusugan. Winawasak ng China ang ating mga bahura para mahuli ang mamahaling species; nauubos ang reserba ng mga darating na henerasyon ng minerals at bagong medisina.

Matapang magnakaw ang Chinese maritime militia. Mga sibilyang mangingisda sila na inarmasan ng Chinese navy at binigyan ng mga kagamitang pang-espiya at komunikasyon. Ginagamit ito sa pagmanman at pana­nakot ng mga maliliit na mangingisdang Pilipino.

Bukod sa pagnanakaw ng lamandagat, misyon ng Chinese maritime militia na tumulong sa pang-aagaw ng teritoryong dagat ng iba. Pinagmamalaki ng Beijing ang umano’y “kabayanihan” ng People’s Armed Forces Maritime Militia sa pambubusabos sa Brunei, Malaysia, Vietnam at Pilipinas. Tinatrato ni Pangulong Duterte na kaibigan ang Beijing. Pero kaibigan ba ang akyat-bahay? ‘Di ba dapat sinusuplong at pinakukulong ‘yon?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

WEST PHILIPPINE SEA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with