_ngayon
^

Si Gen. Eleazar na kaya?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2021 - 12:00am

HINDI malayong maihalintulad tayo sa India kong patuloy na magiging pasaway ang ilan nating kababayan sa pinaiiral na health protocols. Kahit nagbababala na si President Duterte na bawal muna ang pagtitipon, hindi sila sumusunod. Katulad na lamang sa nangyaring  rally ng mga militante at labor groups noong Labor Day. Kumpulan sila. Ang ganitong pagtitipon ang dahilan nang hawahan.

Hindi ako kontra sa ipiglalaban ng mga militante dahil ang makikinabang naman ng kanilang mga isinisigaw ay mga manggagawa na nalumpo dahil sa pandemya. Sinu­suportahan ko ang kanilang pagpapahayag dahil kara­patan nila ito, subalit mukhang salto sa panahon nga­yon. Dapat lamang na iwasang magkompulan upang hindi mag­kahawahan.

Ang masakit kapag dumami na naman ang infected, malalagay na naman sa ECQ ang Metro Manila at iba pang probinsiya. Lahat apektado dahil sa lockdown. Kaya dapat na mag-ingat at sundin ang health protocols. Ma­rami pa sa ating mga kababayan ang hindi pa nababaku­nahan. Kaya sa mga organizer ng pagtitipon, huwag munang magdaos ng ganito.

Samantala, ilang araw na lang at ihahayag na ni President Digong ang kapalit ni PNP chief Gen. Debold Sinas na magreretiro sa Sabado. Bagama’t naglista na si DILG Secretary Eduardo Ano ng kandidato sa pagka-PNP chief, si Digong pa rin ang masusunod.

Ang maingay sa ngayon na papalit kay Sinas ay si Lt. Gen. Guillermo Eleazar. Siya ang pinaka-senior sa PNP. Noong siya pa ang NCRPO chief, sandamukal ang accomplishments niya sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo. Siya rin ang dating hepe ng PNP Joint Task Force Covid Shield at ngayon ay hepe ng ASCOF, kung saan inaalagaan niya ang kalusugan ng frontliners na pulis.

Maituturing na «well rounded» na si Eleazar pagdating sa kampanya para panatilihing matiwasay ang bansa lalo  na sa panahon ngayon ng pandemya. Noong nakaraang buwan, naging OIC siya ng PNP matapos na mag-leave si Sinas dahil tinamaan ng COVID. Kandidato na si Eleazar noon na maging PNP chief nang biglaang magretiro si Gen. Oscar Albayade pero naungusan siya ni Gen. Archie Gamboa. Nang magretiro si Gamboa, naging maingay uli ang pangalan ni Eleazar subalit sa kasamaang palad, si Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang pinalad. Nang magretiro si Cascolan, kandidato muli si Eleazar pero nasilat siya ng kaklaseng si Sinas. Ang kahanga-hanga kay Eleazar, hindi siya nagtampo kahit ilang beses na siyang nalampasan.

Makuha na kaya ngayon ni Eleazar ang minimithing trono ng PNP? Masasabi kong si Eleazar ang “people’s choice” para maging PNP chief pero siyempre ang huling baraha ay na kay Digong.

LABOR DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with