^

PSN Opinyon

Wala pang Sputnik V pero umabot na sa Quezon

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Napaksa ko kamakailan ang pahayag ni Quezon Governor Danilo Suarez na nakaabot na sa kanyang lalawigan ang Sputnik-V vaccine ng Russia. Ngunit Ayon mismo kay vaccine czar Carlito Galvez, hindi pa opisyal na dumarating ang inangkat na bakuna. Paparating pa lang ito, aniya.

Hindi naman ubrang makipagnegosasyon ang panlalawigang pamahalaan dahil ito ay dapat sa national level. Dahil dito, binansagan tuloy si Governor ng “Danny Sputnik, ang siga ng Quezon” ng kanyang mga kababayan.

Okay daw sana kung bumuti ang kalagayan sa Quezon pero patuloy daw tumataas ang kaso ng tinatamaan ng COVID-19. Isa ang Quezon sa mga LGUs na pinakamabagal ang pagtugon sa COVID-19. May 2.9 percent lamang ang nabakunahan sa mahigit 2 milyong populasyon ng lalawigan.

Ito ang pinakamababa sa LGUs na nakatanggap ng bakuna sa buong bansa. Kung totoong may Sputnik V na sa Quezon, aba eh, bawal iyan dahil walang awtorisasyon ng pambansang pamahalaan. Si Pangulong Digong mismo ang nagsabi ng ganito noon:

“I will direct the secretary of the Department of the Interior and Local Government (DILG) to hold the local government officials responsible for this kind of events happening in their places. It is a violation of the law and if you do not enforce the law, there is dereliction of duty which is punishable under the Revised Penal Code.”

At kung mayroon mang Sputnik V,  sino ang unang makikinabang sa nasabing bakuna? Maliban na lamang kung magpapakita si Governor ng pruweba na nakakuha na nga ng Russian-made vaccine Sputnik V ang Quezon, parang binibigyan niya lang ng kawalang-pagasa ang mga taga-Quezon sa gitna ng paglobo ng COVID-19.

vuukle comment

SPUTNIK-V

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with