^

PSN Opinyon

2 distrito sa Benguet, napapanahon na ba?

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Palaisipan sa marami kung napapanahon na nga bang maging dalawa ang distrito sa Benguet.

Ayon sa panukala ni Benguet caretaker congressman Eric Go Yap, ang lumalaking populasyon ng probinsiya, na tanyag sa buong bansa dahil sa produkto nitong sariwang gulay at depositong mineral gaya ng ginto, ang pangunahing konsiderasyon sa panukalang panibagong distrito upang higit na mapagsilbihan at mabigyan ng karampatang kinatawan ang nakararaming mamamayan ng probinsya.

Bukod dito, lumalago na ang negosyo at industriya ng Benguet kaya kailangan ng representasyon sa Kongreso upang maisakatuparan ang higit pang pag-unlad.

Ang probinsya ng Benguet ay may 13 bayan. Kapag naisakatuparan ang pagkakaroon ng dalawang distrito sa pamamagitan ng Republic Act No. 4695 ni Yap, ang unang legislative district ay kabibilangan ng Bokod, Itogon, Sablan at Tuba habang ang pangalawang distrito ay ang Atok, Bakun, Buguias, Kapangan, Kibungan, La Trinidad, Mankayan, at Tublay.

Naihain noon pang Marso 20, 2020 ang panukala at nanatiling nasa pagsusuri pa rin ng House Committee on Local Government. Ibig sabihin, isang taon na itong natutulog sa komite.

Malaki ang posibilidad na ang pagkakaroon ng karag­dagang distrito ng Benguet ay magpapalago pa sa pondo ng probinsiya na kung gagamitin ayon sa nararapat ay kapa­kinabangan ng mga mamamayan.

Noong 2015, nasa 446,224 na ang populasyon ng Benguet ayon sa huling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) census. May sukat na 2,833.0 square kilometers ang probinsya.

Kung susuriin, sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution, ang kinakailangan lang ng isang legislative district ay 250,000 populasyon upang magkaroon ng isang kinatawan sa Kongreso.

Sa kabila nang lahat na ito, isantabi muna ang ipinapanukalang pagkakaroon ng dalawang distrito sa Benguet na magsisilbi lamang sa interes ng mga pulitiko. Hindi naman ia-appoint ang magiging kinatawan ng mga distritong ito kundi pipiliin sila ng mamamayan sa pamamagitan ng eleksyon!

Higit na isipin ay ang kapakinabangan ng mga mamamayan sa oportunidad na inihahain ng demokratikong espasyong ito upang magkamit ng mas higit pang pag-unlad at pagbabago.

vuukle comment

ERIC YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with