^

PSN Opinyon

Paano nagtatapos ang isang pandemic?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nakatuntong na sa ikalawang taon ang COVID-19 pandemic na dinaranas ng buong daigdig. Ang tanong nga­yon na nasa isip nang marami, kailan at paano ito matatapos?

Mahirap sagutin kung hanggang kailan mananatili ang krisis na ito. Pero may kasagutan kung paano ito magwawakas. Ayon sa mga dalubhasa, matatapos ito kapag ang katawan ng karamihan sa mga tao ay naka-develop na ng immunity laban sa virus.

Iyan ang tinatawag na “herd immunity” na maaaring matamo kapag ang karamihan ng tao ay tumanggap na ng kinakailangang bakuna, kasama na yung mga taong dinapuan na ng sakit at gumaling.

Sa Israel, sinasabi ng mga medical experts na muk­hang naaabot na ng naturang bansa ang herd immunity level laban sa COVID-19. Ito ay Ayon mismo sa mga dalubhasa sa pinakamalaking pagamutan sa Israel, ang Sheba Medical Center.

Tinatayang 56% ng 9.2 million populasyon ng Israel ang nabakunahan na, at ang 15% o 700,000 katao ang gumaling na sa karamdaman. Pinapayagan na muli sa nasabing bansa ang mga mass gatherings at face-to-face classes sa paaralan Pero sa kabila nito, patuloy na bumababa ang mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Kaya lang, nananating sarado ang mga borders ng Israel sa mga pumapasok na dayuhan maliban na lang sa mga malalapit na kaanak ng mga Israeli. Sa ating bansa, nasimulan na ang mass vaccination program at marami na rin ang naitalang gumaling sa karamdaman. Kaso nga lang, umaapaw pa rin ang mga pagamutan sa dami ng mga taong nako-confine dahil sa COVID.

Sana, matulad tayo sa Israel.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with