_ngayon
^

Gen. Baccay, namigay ng ayuda sa kapuspalad na Pinoy!

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - April 25, 2021 - 12:00am

NAGTAYO ng sariling community pantry si Brig. Gen. Matthew Baccay, director ng Eastern Police District (EPD) para tugunan ang pangangailangan ng kapuspalad na mga Pinoy sa eastern Metro Manila sa panahon ng pandemya.

Tahimik lang na namimigay ng pagkain at iba pang gamit pambahay itong si Baccay sa ilalim ng programang “EPD PAMAMARISAN pantry” di tulad ng nagsulputang community pantry sa Maginhawa St., sa Quezon City na kontrobersiyal na at naging ugat pa ng awayan ng mga Pinoy.

Unang nagpamudmod ng ayuda ang mga tauhan ni Baccay sa harap mismo ng EPD headquarters sa Caruncho Ave., Pasig City noong Abril 20 samantalang nag-house-to-house naman sa West Bank Road, Floodway sa Bgy. Rosario nang sumunod na araw. Tiyak may kasunod pa ito, di ba Gen. Baccay Sir? Dipugaaaa!

Ang EPD pantry ay naglalaman ng bigas, itlog, gulay, sabon, face shield, PNP magazines, at higit sa lahat ay ang Bibliya. Ang foodpacks naman na ipinamigay na aabot sa 150 pamilya sa Floodway ay naglalaman ng bigas, sardinas, instant noodles, kape, sabon, biscuits, itlog, at face shields.

Ayon kay Baccay, libre nilang pinamimigay ang ayuda para maibsan ang hinagpis at hirap ng ating mga kababayan na labis na naapektuhan ng pandemya. Sa dalawang okasyon, ipinaliwanag din ni Maj. Eric Cister, ang assistant chief ng District Community Affairs and Development Division (DCADD) ang kahalagahan ng pagsunod sa health protocols ng gobyerno, lalo na ang social distancing at pagsuot ng face mask at faceshield, para hindi mahawahan ng COVID-19.

Sinabi ni Cister na hindi sila humihingi ng donation para suportahan ang kanilang ayuda subalit tatanggapin nila kung may magkusang-loob na magbigay pandagdag sa ayuda nila sa mahihirap. Mismooooo! Dipugaaaaa!

Pinasalamatan naman ni Baccay si Ivie Mariano from Doyle Dane Burnback Phil. Inc. na sumama sa tropa ni Cister para mag-ikot sa Floodway para mamigay ng ayuda. Bukod kay Mariano, marami pang good samaritan na nagbigay suporta sa EPD pantry at food distribution, ani Baccay. «Binigyan diin (donors) ang kahalagahan ng diwa ng pagkakaisa, (at) pakikiramay sa mga nangangailangan sa panahon ng krisis,» ang giit pa ni Baccay, hehehe! Puwede na talagang mag-RD si Gen. Baccay ‘no Sen. Bong Go Sir? Mismoooo! Abangan!

AYUDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with