^

PSN Opinyon

COVID test dapat libre at sapilitan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ISUSULONG daw ng Department of Health (DOH) ang house-to-house na pagsasagawa ng COVID-19 test. Bakit ngayon lang naisip gawin iyan? Kung sa simula pa lang ng pandemic ay ginawa na ang ganyan, hindi na marahil lumubha ang krisis.

Kung gagawing bahay-bahay at sapilitan ang pagsusuri, higit na maraming tao ang matutukoy kung positibo o hindi at magiging maagap ang pag-isolate sa mga taong kinapitan ng virus.

Mahalaga ang sapilitang pagsasailalim sa COVID test dahil tila mas marami ang mga taong asymptomatic o hindi nagpapakita ng sintomas na kung mananatiling gumagala sa labas ay maaaring manghawa ng mas marami pa. 

Sa tingin ko, iyan mismo ang nagaganap sa ating bansa. Hindi natin batid kung sino sa mga nakakasa-lamuha natin ang positibo. Mas nakatatakot kung tayo mismo ay may COVID na pala nang hindi natin nalalaman dahil wala tayong sintomas na nararamdaman.

Sa ngayon, hindi sapilitan ang COVID test kaya maraming hindi kinakikitaan ng sintomas ang kampanteng nakalalabas ng bahay. Bukod diyan, malaking gastos sa panig ng mga mahihirap ang magpasuri dahil mahal ang bayad. 

Dahil ito ay isang pandaigdig na pandemic, hindi dapat singilin ang mga taong nais magpasuri.  Sa ngayon, nasa 30,000 hanggang 50,000 katao lang ang nasusuri araw-araw, ayon sa datos ng DOH. Sa ganyang numero, nakatitiyak tayo na hindi accurate ang mga ibinabalitang bagong kaso.

Mandatory at walang bayad na COVID test, gawin na ngayon!

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with