^

Katangi-tangi si Gen. Nieves

GO NORTH - Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

Katangi-tanging lingkod bayan si Cagayan police director Brigadier General Crizaldo Nieves.

Mahusay niyang pinamumunuan ang Cagayan Valley­ region police. Walang humpay sa pagsugpo ng krimen, droga, at iba pang ilegal. Bukod diyan, marami pa siyang ginagawang makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa mamamayan.

Wala naman siyang plano sa 2022 elections dahil hindi siya botante ng Cagayan Valley – taga-Nueva Ecija siya. At lalong hindi siya pulitiko. Sadyang matulungin lang siya, lalo na sa mahihirap. Kulang na nga lang tawagin siyang DSWD-Cagayan Valley regional director.

Ngayong linggo, magtutungo siya sa Sitio Lagis, Sundun Bayabo, Ilagan City upang pasinayaan ang communal­ toilet at pump well doon kung saan 28 pamilya ang maki­kinabang.

Sa kanyang pamumuno, matagal na niyang tinutulungan ang mga “poorest of the poor” sa mga liblib na lugar ng Cagayan. “Walking pantry” nga ang Cagayan Valley police bago pa nagsulputan ang mga community pantries.

Ang nais lamang niyang kapalit sa mga ginagawang paglilingkod ay mapagtanto ng mga mamamayan na may­roong pamahalaang nagmamalasakit at hindi nagpapabaya sa kanila. Gusto niya na ang mga ginagawa ng Cagayan Valley police ay maging daan para makamit ang katahimikan at katiwasayan sa rehiyon.

Dapat pamarisan ang ginagawa ni General Nieves. Katangi-tangi siyang lingkod-bayan na hindi nag-aatubiling magsilbi sa mamamayan.

Ilan pa kaya ang General Nieves sa kasalukuyan sa dinami-dami ng mga pulis sa bansa? Ilan pa kaya ang katulad niyang lingkod bayan na hindi makasarili at naghahangad ng pagbabago sa lipunan?

* * *

Para sa suhestiyon: art.dumlao@gmail.com

DSWD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with