^
EDITORYAL - Dapat bawiiang EO 128

EDITORYAL - Dapat bawiiang EO 128

(Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

Hindi nalutas ng Executive Order 128 na nilag­daan ni President Duterte noong Abril 7 ang problema sa presyo ng karneng baboy kundi tumaas pang lalo. Sa ilalim ng EO 128, binabaan ng 5 percent hanggang 20 percent ang taripa ng imported na karne ng baboy mula sa dating 30 percent hanggang 40 percent. Pero walang nakitang epekto ang EO 128 sapagkat naging P400 ang bawat kilo ng liyempo na dapat sana ay magiging P250 dahil sa pagpapatupad ng kautusan.

Bumaha ang imported na baboy sa pamilihan mula nang ipatupad ang EO 128 at ang resulta, naapektuhan ang kabuhayan ng mga lokal na magbababoy. Nagkaroon sila ng kakumpetensiya at malamang na tuluyan na silang mawalan ng hanapbuhay dahil sa rami ng imported na baboy. Ganunman, sa kabila na dumagsa ang baboy, nagpatuloy din naman sa pagtaas ang presyo nito. Umaaray na ang mga mamimili sa taas ng presyo. Kung kailan marami ang naghihirap dahil sa pandemia saka naman sobrang taas ng karneng baboy na ang mga nakaluluwag na lamang sa buhay ang maaaring bumili.

Ayon sa mga eksperto, hindi naman dapat tumaas ang karne ng baboy dahil nga dumagsa na ang imported dahil sa pagbaba ng taripa. Ano ang silbi ng EO 128 kung ganitong patuloy sa pagtaas ang karneng baboy at walang ibang nahihirapan kundi ang consumer?

Nagbabala si Sen. Panfilo Lacson na marami ang magrerebelde kapag nagpatuloy na mawalan ng hanapbuhay ang mga lokal na magbababoy na naapektuhan ng EO 128. Mas madali aniyang ma-recruit ng New People’s Army (NPA) ang mga nawa­walan ng hanabuhay. Kapag nagutom ang mga ito dahil sa pagkawala ng kanilang ikabubuhay, sisisihin nila ang gobyerno at ito ang magandang pagkakataon na hinihintay ng NPA para makumbinsing sumapi ang mga nawalan ng hanapbuhay. Dagdag ito sa security problem ng bansa kapag nangyari.

Bawiin na ang EO 128 para naman hindi mawalan ng hanapbuhay ang mga local hog raisers. Bakit isasakripisyo ang kalagayan ng mga lokal na magbababoy dahil dito. Sabi naman ni President Duterte kamakailan, puwede niyang suspendehin ang EO 28 kung kinakailangan. Dapat na niya itong gawin. Atasan niya ang secretary ng Department of Agriculture na gumawa ng paraan para mapababa ang presyo ng karneng baboy. Maging alerto rin naman sa rampant na smuggling ng pork products. Nang babaan ang taripa, dumami ang smugglers at ang pamahalaan ang talo.

EO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with