^

Numero

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

Ipinagmamalaki ni President Duterte at ni vaccine czar Carlito Galvez na pangatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia sa dami ng nabigyan ng bakuna. Una ang Indonesia, pangalawa ang Singapore. Higit 1,400,000 ang nabigyan na ng bakuna. Pero ang rank na ito ay hindi batay sa dami ng populasyon ng bansa kundi ang bilang lang ng nabigyan ng unang bakuna.

Kung titingnan ang percent ng nakatanggap ng unang bakuna batay sa populasyon, nasa pang-anim ang Pili­pinas. Sa bawat 100 tao, 1.33 pa lang ang nakatanggap ng bakuna. Una ang Singapore na may 28.5 sa bawat 100 tao. Maaaring sabihin na mataas ang Singapore dahil mas konti naman ang populasyon nila. Tama naman iyon. Depende nga sa rami ng populasyon ng bawat bansa. Pero hindi ba ang nais nga ng gobyerno ay mabakunahan ang 70 percent ng populasyon para makamit ang “herd immunity” at bumagal na nang husto ang pagkalat ng COVID-19? Lumalabas na 1.1% pa lang ng populasyon ang nakatangap ng unang bakuna. Ang Singapore ay nasa 19.3%. Lahat ng datos na ito ay makikita sa ourworldindata.org/covid vaccinations.

Pero natural ay ipakikita ng gobyerno ang mas magandang posisyon ng Pilipinas para masabing tama ang kanilang ginagawa. Pero hindi nga nagsisinungaling ang mga numero. Ang puno’t dulo nito ay ang pagpasok ng bakuna sa bansa. Mayaman ang Singapore kaya hindi nakapagtataka kung sila ang numero uno. Ang bakunang nakuha pa nga nila ay Pfizer/BioNTech at Moderna na hindi pa pumapasok sa bansa.

Iyan nga ang tanong ng lahat kung ang madalas na pahayag ng gobyerno ay nakahiram na ng bilyong piso para sa bakuna. Sinisisi naman ng gobyerno ang hirap sa pagbili ng bakuna dahil iniimbak umano ng mayayamang bansa, bagay na kinokondena ng WHO. Kaya may COVAX ay para kahit papaano ay makakakuha ng bakuna ang lahat ng bansa.

Ang pahayag ng gobyerno ay maraming papasok na bakuna sa bansa sa third quarter ng taon. Mga Setyembre pa iyon kaya wala siguro magagawa ang karamihan kundi maghintay at mas mahalaga ay mag-ingat lalo na’t umaalma ang karamihan na itigil na ang quarantine at buksan na nang husto ang ekonomiya.

CARLITO GALVEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with