^

Community Pantry ‘di Communist Party

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

Nakapagtataka kung bakit binabansagang “komunista­” ang mga organizers ng Community Pantry na nga­yo’y nagsusulputan kung saan-saan. Ito ay inisyatibo ng mga mama­­mayan na nagdodonasyon ng mga gulay, itlog, delatang pagkain at iba pang pantawid-gutom. Inilalagay ang mga ito sa isang lugar upang ang mga mamamayan ay mala­yang kumuha ng libre ayon sa kanilang panganga­ilangan.

Maagap namang nagpahayag ang Malacañang na wala itong kautusan na i-red tag ang mga nagpapasimuno ng Community Pantry. Nilinaw pa ng Palasyo na hindi pipigilan ng pamahalaan ang operasyon ng mga Community Pantry.

Hindi kaya barado ng tutuli ang mga nagre-red tag, at ang dinig sa Community Pantry ay Communist Party? Kapuri-puri nga ang ginagawang pagtutulungan ng mga taumbayan sa gitna ng kinakaharap na pandemya at dapat itong suportahan at hikayatin ng pamahalaan.

Sa panahon ng krisis, maraming tao ang dumaranas ng gutom. Hindi  naman sapat ang ayudang ipinagkakaloob ng pamahalaan. Bakit dapat pigilin ng gobyerno ang pagtutulungan  ng mga mamamayan para sa bawat isa?

Kung sino man ang may pakana na isailalim sa surveillance ang mga organizer nito ay tunay na kalaban ng administrasyon. Sinisiraan nila mismo si Presidente Duterte. Sa social media, katakutakot na batikos ang ipi­nupukol sa pamahalaan. Lumilitaw kasi na nagagalit ito sa tangka ng ilan na palabasing walang nagagawa ang gobyerno sa kapakanan ng mamamayan.

Sa nangyayaring paglutang ng diwa ng bayanihan, naalala ko ang isang mahalagang sinabi ni yumaong Pangulong John F. Kennedy ng US. “Ask not what your country can do for you but what you can do for your countrya.”

COMMUNITY PANTRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with