_ngayon
^

PSN Opinyon

Maraming COVID-19 vaccination sites, bukas na sa Makati

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Noong nakaraang linggo, pitong bagong vaccination sites and binuksan ng pamahalaang lungsod sa iba’t ibang barangay bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng programang #BakunaMakati laban sa COVID-19.

Tatlong vaccination teams mula sa Makati Health De­part­ment ang nakatalaga sa bawat site, kabilang ang co­vered courts ng mga barangay ng Bel-Air, Forbes Park, San Lorenzo at Urdaneta, at Colegio San Agustin sa Bgy. Das­mariñas. Bukas na rin ang vaccination site sa Asia Pacific College sa Bgy. Magallanes at sa Fort Bonifacio­ Ele­mentary School. Sa ngayon, tanging mga senior citizen na nakapagrehistro online sa Proud Makatizen website ang nabibigyan ng libreng bakuna sa nasabing mga lugar.

Nagpapasalamat kami sa Makatizens na ibinahagi ang kanilang magandang karanasan sa pagpapabakuna dahil sa maayos at mabilis na proseso. Bunga ito ng masusing pag­hahandang aming ginawa tulad ng pagsasaayos ng kaga­mitan at signage, at pagtatalaga ng trained personnel sa bawat area mula sa pagdating ng magpapabakuna hanggang sa ma-clear ito para umuwi. Ikinalulugod kong ibahagi ang ilan sa mga positibong pahayag na aming natanggap sa social media:

“Congratulations, My Dear City of Makati! Easy online registration, text for day/time of vaccine & then, smooth flow of vaccine operation…plus monitoring after vaccination (bonus: free paracetamol). Thank you po, dear frontliners & organizers! God bless.” – JulioJane Santos

“Thank you so much Makati! Got my Sinovac at Makati Coliseum.” – Kelia Crizel Pascual

“Salamat sa malasakit at sa pagiging isang servant leader, Mayora Abby!” – Gee Dee Vee

“I want to congratulate the mayor and all the workers in Makati especially where I had my vaccination in barangay San Lorenzo for a job well done.” – Lourdes Gimenez

“Your services in these trying times are remarkable and unparalleled. We will always be grateful.” – Jeoff Scheirmann Madarang

“Got my vaccine today, thanks Mayora, maayos ang sistema mula sa simula hanggang sa matapos. Sa mga staff, very accommodating at courteous, mababait silang lahat, salamat sa inyong lahat. God bless.” –John Tiongson Rañola

“Just got my first jab today. Good work. All of them did well in assisting all Makatizens scheduled for today’s vaccination. Thanks.” – Ra Cynanz

“Salamat Mayora at sa mga naglilingkod sa Makati. Maayos po ang lahat mula sa simula hanggang sa matapos. Kudos” – Concep Ducut

“Maraming salamat Mayor Abby. Yung mister ko nabakunahan na ng 1st dose kanina. PWD siya hindi ako nahirapan kasi priority at maraming naka-assist sa amin.” – Ann Jore

“Had mine kanina din po…galing ng sistema nila and very accommodating and courteous ang mga staff…Good job everyone and God bless us all.” – Ditas Galang Alvia

“Thank you…totoo po na maayos po ang sistema ng Makati sa pagbabakuna. Ako po ay nabakunahan kahapon at nakita ko po ang kaayusan nila. Keep it up…keep safe. Mabuhay po kayo.” – Judy Ticsay Quitlong

“Yes, bilib ako sa kaayusan ng proseso. Mababait, maasikaso mga personnel, nurses at doctors. Sa mga nakapag-register na, maghintay lang po ng text message para sa inyong schedule. Tiwala lang po. Thank you Mayora Abby.” – Jhennie Bustamante

“Wow! Kudos Mayor Abby Binay. Watta mayor runnin the city. Without any media exposure, silent but doing a great job.” – Sñrta Angelle Roa Relleve

“The new Makati under the present leadership inspires confidence, hope and optimism. Thank you to all. Keep it up and keep safe.” – Bonny E. Dimayuga

Patuloy na nag-iikot ang mga Dyipni Maki sa mga barangay upang matulungan ang Makatizens na walang computer o cell phone na makapag-online registration. Hinihikayat ko ang mga senior citizen at mga residenteng may comorbidity na magrehistro na upang makatanggap ng libreng bakuna. Prayoridad namin kayong bigyan ng proteksyon laban sa COVID-19 dahil kayo ang mas nanganganib magkaroon ng severe o malalang kaso na kadalasang nagdudulot ng kumplikasyong nakamamatay.

Samantala, inihahanda rin ng lungsod ang 23 pang karagdagang vaccination sites para mapaglingkuran ang mas maraming Makatizens sa iba’t ibang barangay. Sa ating patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa, makakamit din natin ang inaasam na COVID-free Makati

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with