^

PSN Opinyon

PNP, all in sa kampanya vs marijuana! -- Sinas

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Sinalakay ng pulisya ang 13 plantation sites ng marijuana sa magkahiwalay na lugar sa Kalinga at Mt. Province at binunot ang umaabot sa 67,000 puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P13 milyon.

Matapos masakote ang milyones na halaga ng tuyong marijuana sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, ibinaling ng mga tauhan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas ang kanilang atensiyon sa mismong source na matatagpuan sa bundok ng Kalinga at Mt. Province.

Kaya lang, walang naaresto ang mga bataan nina Brig. Gen. Ronald Lee, ang hepe ng Cordillera Police at Brig. Gen. Remus Medina, director ng PNP Drug Enforcement Group dahil kalimitan sa tanim na marijuana ay mga talsik na buto ng dating tanim o dili kaya’y inihagis lang ang buto dun sa mga lugar at iniwanang tumubo.

Subalit ang importante d’yan nabawasan ang source ng marijuana sa bansa at maging sa abroad, ‘di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Kasama ang PDEA at iba pang police units sa Cordil­lera, inakyat ng operating team ni Gen. Lee ang bundok sa disputed area ng Saclit, Sadanga, Mt. Province at sa Buscalan sa Kalinga at sa paggalugad nila ay natuklasan ang siyam na marijuna plantation.

Ayon kay Lee, may kabuuang 2,350 square meters ang plantasyon at umaabot sa 24,600 marijuana plants ang kanilang nabunot at may bonus pa na 1,000 grams ng MJ stalks.

Lahat-lahat nagkakahalaga ng P5 milyon ang mga nakumpiskang ebidensiya na sinunog naman ng mga bataan ni Lee sa nabanggit na mga lugar matapos makunan ng litrato. Dipugaaaaa!

Siyempre, hindi naman nagpahuli ang mga bataan ni Medina at sinalakay din nila ang apat na plantation sites sa Bgy. Ngibat, Tinglayan, Kalinga at binunot ang 43,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P8.6 milyon. Sinunog din ang mga nabunot na marijuana plants sa area matapos ang proper documentation, ani Medina. Dipugaaaaa!

Si Gen. Medina mga kosa ang pumalit kay Gen. Lee sa PDEG kaya maganda ang coordination nila pagdating sa kampanya vs droga na iniutos ni President Digong. Sinabi ni Sinas na all-in ang PNP sa operations kontra marijuana sa lahat ng sulok ng bansa para matuldukan na ang pagtanim at pagbenta nito sa kalye. Dipugaaaaa!

Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with