^

Public appearance ng Presidente mahalaga

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

ITIGIL na sana ang mga patutsada kay President Digong tungkol sa dalawang linggo niyang pagkawala sa pananaw ng taumbayan sa kasagsagan ng pagtaas sa kaso ng COVID-19. Wala rin namang kahihinatnang mabuti iyan para magkaisa ang mamamayan sa harap ng krisis na dinaranas ng ating bansa.

Ngunit talagang obligasyon ng Pangulo na ilantad nang madalas ang kanyang sarili sa publiko lalo pa’t may kina­haharap tayong matinding krisis.

Dahil dito, sari-saring espekulasyon ang lumutang. Kesyo siya raw ay may malubhang sakit at inilipad sa Singa­pore para magamot, at may mga umugong pang tsismis na patay na siya.

Hanggang sa muling nagsahimpapawid ang Pangulo sa pambansang radio and television. Tinuligsa niya ang mga nagpakalat ng mga fake news na patay na siya. Sabi niya, ‘dun sa mga nagdarasal na siya ay mamatay na “dagdagan pa ang kanilang dasal” dahil heto siya at buhay na buhay.

Hindi nga naman tama ang mga komentaryo lalo na sa social media na nagsasabing siya ay pumanaw na sa mundong ibabaw na inihasik ng mga taong ayaw sa Pa­ngulo. Pero in fairness, talaga namang hindi dapat mag­laho sa pananaw ng taumbayan ang Pangulo lalo pa’t siya ang pinakamataas na leader na inaasahan sa panahong ito ng kagipitan.

Sa panahong ito na high tech na tayo sa komuni­kasyon, wala akong makitang dahilan para mawala ang Pangulo sa media exposure. Kahit siya ay namamahinga sa pinakaliblib na kagubatan, puwede niyang gamitin ang social media sa pamamagitan ng kanyang tablet o cell phone para magsalita sa taumbayan.

Ang isang Pangulo ay ama ng bayan. Kapag sa paningin ng taumbayan ay naglulubha ang isang crisis situation, dapat siyang magpakita para magbigay ng katiyakan na ang sitwasyon ay kontrolado at walang dapat ipangamba ang madla.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with