^

Resulta ng lotto at digit games ng PCSO, ginagamit sa Lucky Pick 3!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

NADISMAYA si Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma sa natuklasan niyang mga sugal-lupa na gumagamit ng resulta ng PCSO lotto at digit games sa kanilang ilegal na negosyo.

Sa kanilang advisory, iginiit ni Garma na ang naturang mga bookies ay hindi awtorisado ang PCSO Board of Directors. “This is to inform the public that the PCSO Board of Directors have not authorized any individual or corporation to use the PCSO lotto and digit games draw results for any form of gambling,” ani Garma.

Nitong panahon ng pandemya, natuklasan ni Garma na may nagpapataya online ng sugal-lupa na Lucky Pick 3 kung saan ang winning combination nito ay kung ano ang resulta ng 6/55 draw ng PCSO. Kapag hindi nahinto ang sugal-lupa na ito, aba maapektuhan ang taya sa PCSO gaming products, di ba mga kosa? Dipugaaaa!

Kung sabagay, maraming sugal ang gumagamit ng resulta ng draw ng PCSO gaming products sa kanilang ilegal na negosyo, kasama na ang jueteng ni John Yap sa Cavite. Itong jueteng ni Yap ay armado ng tinatawag na draw court kung saan puwede nilang bolahin ang winning combinations nila.

Subalit dahil tumataas ang kaso ng COVID sa probin­siya ni Gov. Jonvic Remulla hindi ginagamit ni Yap ito para maiwasan na magkumpulan ang kanyang mga kubrador at magkahawahan ng virus. Imbes ang ginagamit ng jueteng ni Yap ay ang resulta ng lotto draw sa umaga at tanghali. Hindi na nagkaroon ng pangatlong bola ang jueteng ni Yap dahil ang curfew ay 8:00 p.m. na sa ilalim ng MECQ at ang lotto draw sa gabi ay 9:00 p.m. Get’s n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!

Sa Muntinlupa City naman, inireport ni kosang Manny Alcala na ang booklet ng jueteng kung saan nililista ang taya ay may logo ng PCSO. Dapat imbestigahan din ni Garma ito dahil jueteng din ang palaro sa Muntinlupa City dahil wala namang Small Town Lottery (STL) sa Southern Metro Manila. Hinikayat ni Garma ang publiko na ireport sa PCSO itong Lucky Pick 3 at iba pa o di kaya’y sa nalalapit na istasyon ng pulisya, hehehe! Wala kasing police powers ang PCSO kaya dapat alamin ni Brig. Gen. Ely Cruz, SPD director ang report ni Alcala! Dipugaaaaa!

Sa jueteng naman ni Yap, aba bulag, pipi at bingi si Cavite PD Col. Marlon Santos diyan dahil mawawalan siya ng “grasya.” Dipugaaaaa! Abangan!

PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with