^

Si Sara, si Leni o si Grace?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

ILANG buwan na lang at Oktubre na. Magsisimula na ang filing of candidacy para sa lokal at pambansang eleksiyon na nakatakda sa Mayo 9, 2022. Pinag-uusapan na ngayon ang presidential elections at higit na binabantayan ang bakbakan ng tatlong babaing masasabing isa sa kanila ay maaaring manalo at pamunuan ang Pilipinas. Sila ay sina Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte, Vice President Leni Robredo at Senator Grace Poe.

Silang tatlo ang mahigpit na maglalaban sa halalan at tiyak na magpupukpukan at iiwan ang mga lalaking pre­sidential candidate.

Sa kanilang tatlo, masasabing nakalalamang si Sara dahil na rin sa usapin ng makinarya at organisasyon ng administrasyon kabilang na ang suporta ng mga lokal na opisyal sa mga lalawigan.

Si Leni naman ay hindi matatawaran ang suporta ng oposisyon lalo na ang organisasyon ng 1Sambayan na masasabing patuloy sa konsolidasyon para mapalakas ang kanilang miyembro at iba pang kaalyadong grupo.

Si Grace Poe naman ay patuloy na nagpapalakas ng kanilang mga grupo kabilang na ang malawak na suporta­ ng mga nagmamahal at tagahanga ni Fernando Poe Jr. Magpahanggang ngayon, ang suporta ng mga nag­mamahal kay FPJ ay patuloy at dito nakasandig at umaasa si Grace.

Sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Nob­yembre 23-Disyembre 2, nanguna si Sara sa mga ibobo­tong pangulo na nakapagtala ng 26 percent. Sinundan ni Grace Poe na nakapagtala ng 14 percent at si Leni Rob­­redo ay 8 percent.

Hindi nakapagtataka na sa darating ng mga survey ay humabol si Leni dahil na rin sa mga ginagawa nitong patuloy sa pagtulong sa mga biktima ng pandemya. Inaasahan din ang puwersa ng mga makakaliwang grupo ay susuportahan si Leni at ito ang isa sa mga mag-aangat sa kandidatura ng oposisyon. Isang tactical alliance ang maaaring mangyari sa pagitan ng grupo nina Leni at ng leftist organizations.

Maganda ang magiging labanan ng tatlong babae kung matutuloy ang kanilang kandidatura. Masasabing hindi na lagi mga lalaking kandidato ang magdidikta ng eleksiyon para makapaghalal ng bagong lider ang bayan. Kung maihahalal ang isa sa kanila, ito ang pangatlong pagkakataong magkakaroong muli ng babaing presidente ang Pilipinas.

Naunang nailuklok si President Corazon Aquino na sinundan ni President Gloria Macapagal Arroyo. Ngayong darating na eleksyon maaring maging Presidente si Sara, si Leni o si Grace. Kaya ngayon pa lang mga suki, mag-isip-isip na kayo ng iluluklok sa puwesto. Gets n’yo mga suki?

ELEKSYON 2013
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with