^
EDITORYAL - Saan aabot ang ayuda?

EDITORYAL - Saan aabot ang ayuda?

(Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2021 - 12:00am

Hanggang ngayon, ipinamamahagi pa ng local­ government units (LGUs) ang ECQ ayuda na nag­kakahalaga ng P1,000 bawat indibiduwal at P4,000 bawat pamilya. Mahaba pa rin ang pila at nagtitiis ang mga beneficiaries kahit matindi ang sikat ng araw. Para sa kanila, hindi naman sila mamamatay sa sikat ng araw. Mas mahalaga ang ayudang pera para may maibili ng pagkain. May ilang lungsod na dinadala na sa bahay-bahay ang ayudang pera. Ayon sa mga opisyal, mas mahirap kapag nag­kumpul-kumpol ang mga kukuha ng ayuda at baka magkahawahan.

Nagpalabas ang Department of Budget and Ma­nagement (DBM) ng P22.9 bilyong pondo para iayuda. Sinabi ng DBM na bahala ang LGUs kung cash o in-kind ang kanilang ipamamahagi. Karamihan sa LGUs pinili na cash ang ipamahagi.

Mas gusto naman ng beneficiaries na cash ang matanggap sapagkat maari silang pumili ng bibilhin at saka maiba-budget nila ang karampot na ayuda.

Sabi ng mga nakatanggap ng P1,000, ibibili agad nila ng bigas, sardinas at noodles ang pera. Makaka­bili rin umano sila ng ilang kilong bigas at ilang latang sardinas sa P1,000. Kapag naubos daw ang bigas at sardinas, panibagong problema na naman kung saan kukunin ang pambili ng pagkain. Karamihan sa mga tumanggap ng ayuda ay nawalan ng trabaho noon pang nakaraang taon. Ang ilan ay paekstra-ekstra. Ang iba ay mga drayber ng jeepney na pinag­bawalang bumiyahe. Ang masaklap, mayroon pa ring hindi nakatanggap ng ayuda ngayong lockdown dahil wala sila sa listahan.

Kulang na kulang ng P1,000. Sana dinagdagan dahil tuluy-tuloy naman ang lockdown. Ginawa lang MECQ. Walang pagkukunan ng pambili ng pagkain ang mga apektado. Pero sabi ng pamahalaan, wala nang pondo. Last na ang binigay na ayuda.

Laging sinasabi ni President Duterte noon na kapag kinakapos ang pondo ay maghahanap o siya ang gagawa ng paraan para makalikom. Pero kung tutu­usin, hindi na siya dapat maghanap pa ng pondo. Mayroon namang intelligence fund na puwedeng gamitin. May nakahandang P9.5 billion na intel fund ang pamahalaan at P19.1 bilyon na anti-surgency fund.

Napakaraming pera nito na sapat na sapat para mapakain ang mga nagugutom na mamamayan. Ang perang ito ang gamitin para masolusyunan ang problema ng mamamayang kumakalam ang sikmura.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with