^
EDITORYAL - Magdoble-ingat sa mga pampublikong sasakyan

EDITORYAL - Magdoble-ingat sa mga pampublikong sasakyan

(Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

Mataas ang bilang ng mga infected. Halos tatlong linggo nang sunud-sunod na mataas ang kaso bawat araw. At sabi ni vaccine czar Carlito Galvez, nararapat magbantay sapagkat maaaring sumipa muli ang COVID cases sa Mayo.

Sa nangyayaring pagtaas ng kaso ngayon, ma­a­aring paniwalaan na nakukuha ang virus sa mga pampublikong sasakyan. Maraming sumasakay sa Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit, Philippine National Railways (PNR), bus at mga UV Express.

Mula pa noong nakaraang taon, maraming kaso ng COVID-19 na nareport sa mga empleyado ng MRT, LRT at PNR. Sa report, mahigit 600 empleyado ng mga nabanggit ang positibo sa COVID at tumataas pa. Sa kabila na mahigpit na health protocol na ipina­tu­tupad, patuloy ang hawahan. May pagitan ang upuan ng bawat pasahero. Kinukunan din ng temperature ang commuters bago pumasok sa station at marami ring nakapuwestong alcohol na pang-disinfect.

Pero sa kabila na ipinatutupad ang health protocol, napakarami pa ring nagpopositibong empleyado. Noong nakaraang linggo, sinuspende ang biyahe ng mga train para ma-disinfect ang mga bagon. Dati nang ginagawa ang pag-disinfect pero sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagdami ng kaso. O baka naman, hindi maayos ang pagka-disinfect.

Noong nakaraang taon, na-videohan ang dalawang empleyado ng MRT na dinadampian lamang ng basahan ang mga railings o hawakan ng mga pasahero. Parang naglalaro lang ang dalawa at walang pakialam kung nasa railings ang virus. Sinibak na ang dalawang maintenance worker.

Noong nakaraang Marso 29, ipinag-utos ni Trans­portation Secretary Arthur Tugade na i-swab tests ang mga train employees. Ito ay para masiguro na ang mga empleyado ay hindi carrier ng virus.

Ganyan ang dapat gawin – regular testing sa train employees para masigurong hindi sila nagda­dala ng sakit at maipasa sa mga pasahero. Maraming pasahero ang MRT, LRT at PNR at maaring sa mga empleyado ng train sila makakuha ng sakit.

Hindi lamang ang empleyado ng railways ang ma­aaring nagpopositibo sa COVID kundi pati na rin mga bus driver at konduktor. Kahit pa may pagitan ang upuan sa mga pampublikong bus, hindi pa rin nakasisiguro na ligtas ang pasahero. Dapat ding ma-swab test ang bus drivers at konduktor at nararapat sagutin ng operator. Ito ang paraan para hindi kumalat ang virus sa mga pampublikong sasakyan. Paalala: magdoble ingat ang mga pashero sa pagsakay sa PUVs.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with