^

Para sa ordinaryong mamamayan lang?

(Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

Sa tingin ko, kung may maayos at katanggap-tanggap na sagot si Presidential Spokesperson Harry Roque sa tanong kung paano siya nabigyan ng kuwarto sa ospital kung may mga namamatay na nga sa ER o sa labas pa nga sa kahihintay ng kuwarto ay nasabi na niya. Agad nakakuha ang opisyal ng kuwarto sa PGH nang mahawahan muli ng COVID-19.

At mukhang hindi naman seryoso ang kundisyon kung nakapagbibigay pa ng press briefing at umalma o “un-Chris­tian” daw ang tanungin siya kung paano nakakuha ng ku­warto. Kung sabagay alam naman natin kung bakit siya naka­kuha ng kuwarto. Kung may makapagbibigay ng sagot o paliwanag lumabas na iyan. Kahit opisyal ng DOH ay hindi makasagot, o ayaw sumagot.

Dito makikita na hindi talaga patas ang administras­yong ito. May mga opisyal diyan na lumabag sa pinakama­higpit na quarantine noong isang taon, party pa nga o kaya’y namasyal sa ibang lalawigan pero naparusahan ba?

Samantalang mga simpleng lumabag sa quarantine ay pinagbabaril o kaya’y pinahihirapan nang husto hanggang sa namatay dahil may kundisyon pala o kaya’y binugbog na naging sanhi rin ng pagkamatay.

Mga ilegal na nagpasok ng bakuna pero pinagbawalang imbestigahan. Iyan ang mga tunay na “un-Christian” at hindi ‘yung magtanong kung paano madaling nakapasok sa ospital sa panahong ito.

Panay ang babala ng mga doktor na punumpuno na ang mga ospital ng mga kaso ng COVID-19, tapos maba­balitaan na lang natin na may COVID ulit si Roque pero nasa ospital na.

Ang babala ba ng mga doktor ay para sa ordinaryong mamamayan lang? Kahit malubha na at naghihintay sa ER o sa paradahan ng ospital mas bibigyan ng konside­rasyon ang opisyal ng gobyerno na hindi naman malubha?

Mabanggit ko lang na sa huling sinulat ko, nasa number 28 ang Pilipinas sa rami ng kaso ng COVID-19 sa mundo na noong ilang araw lang ay nasa number 30. Noong Lunes, nasa number 27 na. Nalampasan natin ang Portugal, Israel at Sweden.

Higit 11,000 kaso ang naitala noong Lunes. Isinailalim naman ang NCR Plus sa MECQ hanggang sa katapusan ng Abril.

Napapailing na lang ako sa mga nangyayari. Nakakatakot ang panahon, maliban na lang kung opisyal ka ng administrasyong ito.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with