^

Bayanihan-3 kailangan na

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

Habang walang katiyakan kung kailan huhupa ang CO­VID pandemic, nasa bingit tayo ng pangangailangang magpatupad ng estriktong quarantine protocols, kasama na ang lockdown. Sana naman, huwag nang mangyari ito. Pero kung kailangan dapat mayroong nakahandang mekanismo para ayudahan ang mga mangangailangan ng tulong.

Wika nga, marami ang hindi makapagtatrabaho sa tuwing magpapatupad ng lockdowns at kailangan silang saklolohan.

Inihayag ni House Committee on Appropriations Chair­man Eric Yap na aaprubahan ng kanilang komite ang Bayanihan 3. Kasunod ito ng sinabi ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na posibleng­ ngayon o sa susunod na linggo ay pagtitibayin na sa joint hearing ng House Committee on Appropriations at House Committee on Economic Affairs ang panukalang Baya­nihan 3 Law.

Siniguro ni Rep. Yap na gagawin ang lahat ng magagawa ng Kamara para maaprubahan na ang Bayanihan 3 Bill. Kailangan ng mga Pilipino ang ayuda, lalo na para sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya. Ayon naman­ kay Salceda handa na ang Bayanihan 3 Bill para maisa­lang sa plenaryo sa muling pagbabalik-sesyon sa Mayo 17.

Noong nakalipas na Biyernes, nagpulong ang ilang lider ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Velasco­ kasama ang mga economic managers, upang talakayin ang COVID-19 response at mga hakbang para mapondohan ang Bayanihan 3, na sa bersiyon sa Kamara ay nangangailangan ng P420 billion.

Pero ngayon, ang pondo para sa Bayanihan 3 ay ibinaba na sa P370 billion kung saan ang budget ay balak na hugutin sa mga “obese” na government owned and controlled corporations (GOCCs) at iba pang tax measures.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with